Christian Bautista, kayang tapatan ang pagka-daring ng ex na si Rachelle Ann Go

ADVERTISING

Christian Bautista, kayang tapatan ang pagka-daring ng ex na si Rachelle Ann Go

Rachelle-Ann-Go-Christian-Bautista

DAHIL EX-GIRLFRIEND niya si Rachelle Ann Go, hindi maiwasang matanong ng press people si Christian Bautista hinggil sa very revealing  na costume nito bilang si Gigi sa Miss Saigon. More than a month nang tinatanghal sa

London ang nasabing musical play na naunang pinagbidahan noon ni Lea Salonga.

Nakita na rin daw ni Christian ang mga photos ni Rachelle Ann suot ang sobrang sexy ngang costume. Nakakapanibago pero okey naman daw for a change.

ADVERTISING

“It’s very ano naman, e… in good taste,” aniya. “Kasi it’s in the theater. And it’s an international show. Alam naman naming from the beginning na iyon ang magiging role niya, e. And ako naman, I

do theater also so I’m not really surprised. Pero I’m very happy with all her success. Na… going all over the world na.”

May plano nga ba siya na magtungo ng London upang makapanood ng Miss Saigon?

“Yes. I’m talking with… sina Erik Santos and Mark Bautista. Maybe… do one whole

trip there together. We’ll see.”

Kailangang tapusin muna raw niya ang ilang commitments bago ang pinaplanong

niyang pagpunta sa London.

“I am recording a new album under Universal Records. And it’s gonna come out soon, hopefully. And right now… writing songs. And… excited about the realeas of the album.”

Pahinga muna raw siya sa paggawa ng mga musicals. Pero ano kaya kung in the

future ay magkaroon ng

offer sa kanya to do a role sa play na daring? ‘Yong parang male version ng role ni Rachelel Ann as Gigi sa Miss Saigon, okey kaya sa kanya?

“‘Yong ginawa ko sa Ghost, that was daring. Maraming na-shock na I’ve done it.Ang pinaka-daring na  part  do’n is when I sing Unchained Melody and then the first time that Kris Villongco and I made

love on the stage.That was actually daring,” sabay tawa ni Christian.

Sa pelikula ba, open na rin siya to do sexy scenes?

“It depends on the role. Oo. It all depends on the role.”

E, sa mga sexy pictorials?

“Well I did Cosmo before. I did Bench and also ‘yong sa Gold’s Gym. I’ve done it. And okey lang naman na maulit if ever,” nangiting sabi pa ni Christian.

MALAKING CHALLENGE daw para kay Miguel Tan Felix ang first lead role niya bilang special child sa bagong primetime series ng GMA na Niño kung saan bida rin ang childstar na si David Remo.

“Napi-pressure ako,” pag-amin ng 15 year old young actor. “Kasi nandiyan ‘yong expectation ng viewers.Tapos mga bigating artista ang kasama ko sa cast. Kaya may pressure po talaga.”

Ang baguhang Kapuso teen actress na si Bianca Umali ang tila iginu-groom ngayon na kapareha niya. Mag-bestfriend sila sa istorya.

“Hindi ko lang po alam kung magkakaroon ng love angle sa characters namin ni Bianca. Kasi nga po, may pagka-special child ‘yong role ko. Maraming na kaming mabibigat na eksenang nakunan. And medyo mahirap for me na mag-portray no’ng role ko. “Ang ginagawa ko na lang para mapasok ko ‘yong character ko, kinakalimutan ko po na fifteen

years old ako. Iniisip ko na isa akong bata na seven years old. Bago kami nagsimulang mag-taping, pinanood ko ‘yong I Am Sam. Movie po ito tungkol sa isang special child.Do’n po ako kumuha ng idea kung paano ba gumalaw at magsalita ang isang special child.”

Pareho sila ni Ruru Madrid na mina-manage ngayon ni Direk Maryo. Hindi kaya may mabuong professional jealousy sa pagitan nila ng isa sa mga naging finalists ng Protégé talent search ng GMA?

“Sa akin po, hindi ko titingnan ang mga gano’ng bagay. Kasi makasisira lang sa friendship namin ni Ruru.Basta… magkaibigan po kaming dalawa.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING