Christian Bables, winner sa Luna Awards!

ADVERTISING

Christian Bables, winner sa Luna Awards!

Christian Bables, winner sa Luna Awards!
Christian Bables

CONGRATS to actor Christian Bables na nag-uwi na naman ng panalo para sa kanyang role bilang si Barbs na bestie ni Trisha sa pelikulang ”Die Beautiful” last Saturday para sa 35th Luna Awards na ginanap sa Resorts World Manila.

 
Sa totoo lang, hindi ko nabalitaan man lang na may Luna Awards pa pala ang Film Academy of the Philippines.
 
Ang akala ko kasi ay namahinga ang naturang award giving body sa pamimigay nila ng parangal nang magkaroon ng lapses ang Luna Awards na kung tama ang memory ko na for the past two years ay hindi sila nagbigay awards sa mga taga-industriya.
 
Happy kami for Christian na nag-uwi ng parangal sa naturang role niya sa pelikula na dahil sa kanyang exciting role ay sunod-sunod ang suwerte na dumating sa kanya kabilang  ang obra ni Direk Chito Rono na “Signal Rock”n a siya ang bida; ang “Ghost Bride”with Kim Chiu for Star Cinema; Recipe of Love with Cora Waddell under Direk Joey Javier Reyes at ang Born Beautiful na isang serye pang-telebiyon.
 
Christian Bables, winner sa Luna Awards!
2017 Luna Awards Best Supporting Actress Chain Fonacier and Best Actor Bembol Roco

Anyway, narito nang mga nagsipag-wagi at nag-uwi ng Luna Awards noong Sabado: Best Picture: Die Beautiful; Best Direction: Jun Lana for Die Beautiful;

Best Actor: Bembol Roco para sa Pauwi Na; Best Actress: Hasmine Killip para sa Pamilya Ordinaryo; Best Supporting Actor: Christian Bables para sa Die Beautiful; Best Supporting Actress: Chai Fonacier para sa Patay Na Si Hesus.
 
Best Screenplay: Rody Vera for Die Beautiful; Best Cinematography: Lee Briones-Meily for Ignacio de Loyola; Best Production Design: Leo Velasco Jr. (Ignacio de Loyola); Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino (Die Beautiful); Best Musical Score: Ryan Cayabyab (Ignacio de Loyola) at Best Sound: Albert Michael Idioma (Ignacio de Loyola).

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING