Christian Bables, may karapatan na bang magbida sa sariling pelikula?

ADVERTISING

Christian Bables, may karapatan na bang magbida sa sariling pelikula?

Christian Bables, may karapatan na bang magbida sa sariling pelikula?
Christian Bables

THE LONG WAIT is over for actor Christian Bables.

Yes, sa tagal ng pagtitiyaga ng aktor na mas nakilala natin as Barbs sa pelikulang Die Beautiful kung saan siya ang bestie ng malanding bida na si Paolo Ballesteros, si Christian ay ilo-launch na sa  rin sa wakas via a drama film na “Signal Rock” na pelikula ni Direk Chito Rono  para sa sariling produksyon na CSR.PH na kabilang sa walong mga official entries sa darating na FDCP’s Pista ng Pelikulang

Pilipino sa darating na Agosto 15-21 na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.

Right timing na marahil para sa aktor na dati-rati’y pa extra-extra lang at gumaganap sa mga bit roles hanggang sa mabigyan siya ng akmang break via the box-office hit film with Trisha na masasabing biggest break niya.

ADVERTISING

Personal choice ni Direk Chito si Christian na una niya naihandle via Kim Chiu’s Ghost Bride na nag-shooting pa sila sa Kathmandu, Nepal para sa isang importanteng eksena.

Christian Bables, may karapatan na bang magbida sa sariling pelikula?
Direk Chito Rono and Christian Bables

“I’m very thankful kay Direk Chito for this break,” kuwento ng actor sa grand presscon ng pelikula yesterday, Thursday sa Valencia Events Place kung saan katuwang ang Regal Film sa distribution at promotion ng pelikula.

Feeling niya ngayon sa estado niya bilang artista ay tension at kaba dahil hindi niya alam kung papaano siya tatangapin ng publiko with a new film.

“Hopefully, viewers will love our film,” sabi ni Christian na excited na mapanood ng publiko ang pelikulang pinaghirapan nila kung saan nag-location shooting pa sila sa remote na isla ng Biri sa Samar for almost two weeks.

“Intoy my character in the film is very much different from Barbs,” dagdag pa ni Christian sa kanyang kuwento,

Sa pelikula, makakasama ni Christian sina Nanding Josef, ang komedyanteng si Keana Reeves, ang indie actress na si Elora Espano at si Mara Lopez.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING