Christian Bables at Faith Da Silva bibida sa Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance

ISANG quirky love story ang matutunghayan ngayong Sunday sa Regal Studio Presents na pinamagatang ‘My Boyfriend’s Romance‘. Bida rito ang 2021 Metro Manila Film Festival Best Actor na si Christian Bables at ang Las Hermanas star na si Faith Da Silva. Ito rin ang magsisilbing reunion project ng dalawa pagkatapos magsama sa ‘Magpakailanman’ three to four years ago.

Christian Bables at Faith Da Silva bibida sa Regal Studio Presents: My Boyfriend's Romance
Christian Bables and Faith Da Silva

Ito ay isang romance-comedy tungkol sa dalawang magkasintahan na big fans ng sikat na BL (Boy Love) series na ‘Ben X Jim’. Si Faith Da Silva ay si Pia at si Christian Bables naman si John Christopher. One day ay maglalakas-loob si John Christopher na aminin kay Pia na siya ay gay. And in her own term, “beks”.

Imbis na magalit ay tila mas na-excite pa si Pia at kinikilig-kilig siya sa mga possible prospects ng kanyang dyowa. Papasok ngayon ang hunk neighbor na si Dan Ian (played by Carlo San Juan). Kahit pinupush ni Pia ang dalawa ay doon niya nari-realize na hindi pala niya kayang makita ang boyfriend na may kasamang iba. Naku, paano na ito?!

Siguradong marami ang makakarelate sa kuwentong ito. Kung bet ninyo ng love story na light lang this Sunday, panoorin na ang Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance ngayong Sunday, 4:35PM sa GMA pagkatapos ng Dear Uge.

Previous articleMABAIT, MAGANDA, SEXY: Joshua Garcia bet jowain si Ivana Alawi
Next articleThings You Didn’t Know About Sue Ramirez