Christian Bables, 5 taon bago nakatikim ng exclusive movie contract

ADVERTISING

Christian Bables, 5 taon bago nakatikim ng exclusive movie contract

Isa nang ganap na Regal Baby ang 2016 Metro Manila Film Festival Best Supporting Actor para sa “Die Beautiful” na si Christian Bables. Pumirma siya ng apat na exclusive movie contract sa Regal Entertainment owned by Mother Lily and Roselle Monteverde.

ADVERTISING
Christian Bables, 5 taon bago nakatikim ng exclusive movie contract
Christian Bables

Nakilala si Christian sa pagganap niya bilang si Barbs, ang bestfriend na transwoman na si Paolo Ballesteros sa “Die Beautiful”. Ayon sa binata, hindi naging madali ang kanyang journey bago napansin ng Regal para i-cast sa pelikula and eventually manalo ng best supporting actor sa 2016 MMFF.

“Five years po akong aral nang aral ng acting since 2011. Tapos napansin nina Ms. Roselle, ni Mother Lily, kaya ‘yon,” pagtatapat niya.

Inamin din ni Christian na pangarap niya noong maging part ng Star Magic kaya pinili niyang doon mag-workshop. Nag-apply rin daw siya sa Star Magic pero hindi nakapasa.

ADVERTISING

“Opo. Ilang beses din pero laging hindi nakukuha. Pero ro’n ko po napatunayan na may kanya-kanya talaga tayong panahon at may kanya-kanyang path.”

After “Die Beautiful”, magbibida na si Christian sa pelikula ni Direk Chito Roño. Gagampanan niya ang role ng isang probinsyanong maraming hugot sa buhay at magsisyuting na sila sa February.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING