Chokoleit, tatapatan ang demanda ni Cristy Fermin!

ADVERTISING

Chokoleit, tatapatan ang demanda ni Cristy Fermin!

Chokoleit, tatapatan ang demanda ni Cristy Fermin!  HINDI RAW KATATAKUTAN ni Chokoleit ang demandang isinampa laban sa kanya ni Cristy Fermin sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City noong August 31, kung saan ayon sa demanda ni Ate Cristy (Cristinelli Salazar Fermin), nakasisirang-puri at malisyoso ang mga naging pahayag ni Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia) ang ipinost nito sa kanyang Twitter account.

ADVERTISING

“Oo, sinulat ko ‘yun. Pero iyon ay dahil galit ako sa kanya. Dahil sobra-sobra na ang ginawa niyang paninira sa akin at tao lang ako para hindi masaktan,” pahayag ni Chokoleit nang kausapin natin siya sa office ni Fanny Serrano kamakailan.

Ayon kay Chokoleit, hindi na raw niya kaya ang mga paninira sa kanya ng kampo ni Miss Fermin. “Ikaw itong sabihang mabaho, pangit at adik? ‘Yung pangit, siguro matatanggap ko ‘yun, dahil kitang-kita namang hindi ako kagandahan. Pero ‘yung sabihing mabaho ako at adik… aba below the belt na ‘yan!”

Haharapin daw ni Chokoleit ang demanda ni Miss Fermin. “Hindi ako natatakot sa demanda niya. Sa demanda ko siya dapat matakot. Dahil kung libel at libel lang din ang pag-uusapan, matagal na panahon na niya akong sinisiraan at hindi lang ako ang kanyang dinudurog pati ang aking pamilya. Dapat siguro, alalahanin nilang tao rin akong marunong masaktan at hindi ko ikatutuwa kung sabihing ako ay pangit at mabaho.”

ADVERTISING

Sa anim na pahinang dokumento, plus anim na pahinang sipi ng isinulat ni Chokoleit sa kanyang Twitter account na isinumite ni Ate Cristy sa QCRTC, sinabi ni Chokoleit na haharapin daw niya kung anuman ang reklamo sa kanya ni Miss Fermin. “Kung itinuring niya akong anak, sana sinabi niya sa akin nang harapan o tinawagan niya ako,” himutok pa ng komedyante.

Sa kabilang banda, walang pinagsisihan si Miss Fermin sa inihain niyang kaso laban kay Chokoleit. Dahil una at higit sa lahat, below the belt na raw ang mga sinabi ni Chokoleit sa Twitter. “Ako naman anak, hindi mo ako basta basta magagalit. Sanay ako sa mga ganyang laban. Pero kung minsan, kailangan nating putulin ang sungay ng mga taong tulad nila dahil nanunuwag sila,” kay ate Cristy naman ang pahayag na iyon.

KUMPIRMADONG IKINULONG NI Marian Rivera ang baguhang aktres na si Bela Padilla sa taping ng kanilang programa sa Siyete.

“Selos na selos kasi si Marian kay Bela kaya ikinulong niya ito para hindi makita ni Dingdong Dantes,” pahayag iyon ng aming source na nagsasabing on the rocks daw ang relasyon nina Marian at Dingdong.

Kung paniniwalaan ang balita, sa lahat daw ng mga babaeng ini-link kay Dingdong, kay Bela lang daw selos na selos at galit na galit si Marian. “Ewan ko ba sa kanya kung bakit insecure siya kay Bela?” sabi pa ng aming kausap.

Samantala, hindi sa pamimintas, pero sa totoo lang hindi naman ganu’n kagandahan si Bela para “pagselosan” ni Marian. Una at higit sa lahat, maputi lang ito kung tutuusin. Iniisip naming hindi kaya pinaiingay lang na selos na selos si Marian kay Bela para ito pag-usapan, dahil hindi naman ito sikat?

Naku sa totoo lang, matagal na palang nag-aartista itong si Bela, pero ngayon lang namin siya naisulat sa kolum na ito dahil ngayon lang siya pinag-usapan at iyon ay dahil “ginagamit” niya ang Dingdong-Marian. Tsuk!

ALAM NAMIN KUNG paanong pinaghihirapan ng staff ng The Buzz ang ilang Linggong programa. Pinagpupuyatan, pinag-iisipan at ginugugulan nang mahabang oras ang bawat segment na inilalabas.

Saksi kami sa maraming taon kung paanong “niluluto” ang The Buzz para magustuhan ng mga manonood. Prangkahan, hindi kami galit kay Charlene Gonzales at Toni Gonzaga. Pero feeling namin, hindi sila ang “swak” na pamalit sa puwestong iniwanan ni Kris Aquino.

Sana ay huwag masamain. Pero sa totoo lang iba pa rin noong mga panahong sina Kris, Boy Abunda at Cristy Fermin lang ang host ng nasabing show. Matapang at may paninindigan. Pero aminin at dapat nating tanggapin, ang The Buzz lang ang laging pinag-uusapan after their show every Sunday, kahit sabihin pang one-half of the show ay promo lang.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING