Chokoleit, kakasuhan ni Cristy Fermin ng libelo!

Chokoleit, kakasuhan ni Cristy Fermin ng libelo!

Chokoleit, kakasuhan ni Cristy Fermin ng libelo! USUNG-USO NGAYON ANG demandahan sa showbiz.

After mapabalitang idedemanda ni Claudine Barretto si Angelica Panganiban ay si Tita Cristy Fermin naman ang magsasampa ng kaso laban sa komedyanteng si Chokoleit.

Bukas nakatakdang isampa ni Tita Cristy ang kasong unjust vexation at libel laban sa comedian dahil sa pagmumura niya sa batikang showbiz columnist.

Palaban pa rin si Chokoleit sa Twitter kahit alam niyang idedemanda siya.Narito ang ilan sa tweets niya:

“Kasalanan ba kung mas maraming nagbabasa at naniniwala sa Twitter account ko kesa sa column ng isang desperadang mangkukulam? Galaiti much?”

“Ika nga ni Mr.M, “ParaBelum”…nakunakunakunakunakunakunaku

nakunakunaku, ang sabi ng pabo! Bwahahhahahaha!

“Kung may totoo man sa mga sinusulat ni Cursety Fearmean sa diyaryo …ito ay ang petsa nung araw na iyon!!! Bwahahahahhahahahaha!!!! =)”

“Ang namimikon ang napikon? Ayy, talo? Bwahahahhahaha! Go ahead , Make My Day!”

“For a cheap ploy, I’m not the kind who bites the bait. I’m too smart for that. Try harder pathetic old rotten scoundrel. =)”

Sabi sa amin si Tita Cristy, “Ang akala niya kasi, comedy bar ang lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga tweet niya, hindi makakain kahit ng gutom na aso. Akala ko nga, nasimentuhan ko na ang palibot ng puso ko, kaya matibay ako. Paminsan-minsan pala, aaray ka pa rin, dahil niyuyurakan na ang pagkatao mo.”

Nabasa namin ang tweets ni Chokoleit at grabe ang kanyang ginawa kay Tita Cristy. Grabe siya kung makapagmura. Talagang wala na siyang pakundangan. Hindi niya naisip na masyadong foul na ang kanyang ginawa.

Natanong si Ryan Agoncillo kung willing siyang gumawa ng project with Piolo Pascual at dyowa niyang si Judy Ann Santos.

Pabiro ang naging sagot ni Ryan. “Let’s burn the bridge when the bridge is there,” aniya.

“‘Di ko alam, eh. Parang tinanong mo ako kung… I wouldn’t know. To be honest, it has to be the right material. Alam n’yo po kasi ako ay part-time actor lang. I’m a full-time host and it takes something like Lady Dada. Itong Lady Dada, ‘yung pagkakagawa niya, sabi ko nga, it’s one of those projects na title pa lang solve na kami. Parang the fact that Direk Joyce (Bernal) is directing this and si Direk GA (Dante Nico Garcia) is production designer… Direk GA siya pero bumabalik  siya sa pagka-production designer para sa project na ito and like sina Mylene (Dizon), Kuya Dick (Roderick Paulate), Kempee (de Leon) are here, it has to be the right thing. Dapat lahat tama. If you’re talking about a project na halimbawa, kahit sino naman, eh, even if it’s Juday or Piolo (Pascual), kahit naman sino ‘pag in-offer-an, dapat ang offer tama sa lahat. Hindi lang puro sa ngayon, ganyan. Tingnan natin what will happen kung tatanggapin o hindi,” esplika ng TV host.

Gumaganap si Ryan bilang isang drag queen sa Lady Dada.

MEDYO NATAWA KAMI nang sabihin ni John Lloyd Cruz kung ano ang na-discover niya kay Angel Locsin na leading lady niya sa Imortal.

“Na-discover ko na mahilig siya sa sasakyang mukhang panlalaki. Very manly, very manly ‘yung mga hilig niya like isang beses niyaya niya akong mag-firing. Sabi ko, “I’ve never tried that pero sige, puwede ko ring pasukan ‘yan”,” kuwento ni John Lloyd sa press visit ng Imortal.

“Si Angel, aside from mahirap siyang katrabaho,” pagbibiro ng actor, “maasikaso, maalaga siya na parang tomboy. Feeling ko, ako ‘yung leading lady kasi ganoon talaga siya, eh. Nasa nature niya ‘yung alagaan, asikasuhin ‘yung kanyang kasama not necessarily her leading man… ‘yung kasama niya sa trabaho, kasama sa eksena. Aside from that, hindi lang siya nakakahon doon sa pagiging artista,” dagdag pa ng dyowa ni Shaina Magdayao.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas