Chloe Sy palaban sa sexy role sa ‘Anak Ng Macho Dancer’

Leo Bukas

KATULAD ng bida ng Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman, wala ring kiyeme na magpaseksi ang Belladonnas member na si Chloe Sy sa naturang pelikula na idinirek ni Joel Lamangan at prinodyus ng Godfather Productions.

Ani Chloe, “Medyo kinabahan po ako na parang natatakot. Tinanong ko nga ang sarili ko kung kaya ko ba itong gawin (magpaka-daring). Pero kasi, siyempre nandito na yon. Hindi na ako puwedeng umayaw if ever na hindi ko kaya. Kaya po kailangan kong kayanin talaga.”

Chloe Sy palaban sa sexy role  sa ‘Anak Ng Macho Dancer’
Chloe Sy

Ayon pa kay Chloe nilakasan na lang niya ang sama ng loob para magawa ang eksena sa Anak ng Macho Dancer.

“Nilakasan ko po talaga ang loob ko, number one po iyon, para hindi ako mapagalitan ni Direk Joel. Ibang Chloe po ang makikita nila rito, marami pong aabangan sa akin sa movie, pero secret muna po,” natatawa niyang kuwento.

Si Chloe ay gaganap ng role bilang girlfriend ng isang character sa pelikula played by model-turned-actor Ricky Gumera. Sa newbie actor din siya magkakaroon ng bed scene.

“First time ko po kasi na nag-bedscene and medyo awkward nung simula. Inisip ko na lang na it’s just a role and I need to do it na walang inhibitions para hindi na paulit-ulit ang take. Awa naman ng Diyos naitawid ko po,” sambit pa ng dalaga.

Chloe Sy palaban sa sexy role  sa ‘Anak Ng Macho Dancer’
Sean de Guzman and Chloe Sy

Samantala, super happy si Chloe sa big break na nakuha ni Sean sa Anak ng Macho Dancer. Si Sean at Chloe ay mina-manage ni Len Carillo.

“Sobrang happy po ako para kay Sean, deserve niya po ito, mabait po kasi siya. Alam kong pinaghirapan niya ito at gusto niya ito,” wika pa ni Chloe.

Bukod kay Chloe kasama rin sa Joel Lamangan film ang mga dekalibreng artista tulad nina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo at Emilio Garcia.