Chivas, proud na proud sa tagumpay ng 4th Impact sa X Factor UK

ADVERTISING

Chivas, proud na proud sa tagumpay ng 4th Impact sa X Factor UK

ChivasBACK TO showbiz ang guwapo at mahusay na singer na si Chivas after mamahinga nang ilang taon nang magwagi ng 3 medals sa WCOPA.
Tsika nga ni Chivas na kapanabayan niyang nag-WCOPA ang 4th Impact na kasama na sa Top 5 ng X Factor UK. Happy nga raw ito sa success sa ibang bansa ng 4th Impact, dahil magaling naman daw at naka-focus sa pagkanta ang apat na magkakapatid.
Wish nga raw nito na manalo ang 4th Impact sa X Factor UK para magtuluy-tuloy na ang kasikatan nito abroad. Dagdag pa nga nito na sa kanyang pagbabalik-showbiz, nakatakda siyang makasama sa isang compilation album at susundan ng recording ng kanyang kauna-unahang album.
Jonalyn-VirayJonalyn Viray, makikipagbiritan kay Kyla sa kanyang concert

 

NGAYONG ARAW, Nov. 27, sa Music Museum gaganapin ang concert ng tinaguriang Princess of Soul na si Jonalyn Viray entitled “Journey Into My Heart” na hatid ng Creative Media Entertainment, Musical Director Soc Mina and directed by Rico Gutierrez.

Magiging espesyal na panauhin ni Jonalyn ang mga mahusay na singer na sina Ms. Cooky Chua, Lolita Carbon, Bayang Barrios, at Kyla. Meron pa rin daw itong mga espesyal na panauhin para sa kanyang concert.

ADVERTISING

Bukod sa nasabing concert ng Soul Princess, labas na rin via iTunes at Spotify ang kanyang bagong song na “Heart of Glass” na mabentang-mabentang patugtugin sa iba’t ibang radio shows.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING