Chito Miranda, pakakasalan na nga ba si Neri Naig?

ADVERTISING

Chito Miranda, pakakasalan na nga ba si Neri Naig?

Chito Miranda, pakakasalan na nga ba si Neri Naig?SARI-SARI RING opinion ang mga mababasa sa mga blogs at internet sites as well as sa mga social media sa pagkalat ng private video nina Chito Miranda at Neri Naig.

Ang ilan pa nga rito ay nagsasabing mas mabuting pakasalan na ni Chito si Neri para raw maisalba ang nobya sa kontrobersiya.

Sa isang ulat, sinabi ng Parokya ni Edgar frontman na hindi daw sila matitibag ni Neri dahil sa isyu.

Sa tanong naman kung may balak na ba silang magpakasal ni Neri, sagot nito, “Yeah, hopefully, we will.”

ADVERTISING

Aray, hopefully, raw!!!

 

 

Chito Miranda, pakakasalan na nga ba si Neri Naig?Kim Chiu, nagpaliwanag sa pagiging ‘snob’

 

NITONG MIYERKULES, nagpaliwanag na si Kim sa totoong nangyari sa nasabing supermarket sa guesting nito sa Kris TV.

Ayon sa paliwanag ni Kim na nalathala rin sa abs-cbnnews.com, “Sunday ako nag-S & R after ‘ASAP’ kasi wala na akong food sa house. Ang daming nagpa-picture sa akin, tapos sasabihin nila snob ako. Kahit nga may kausap na ako sa cellphone sige picture-picture tayo, lalo na ‘yung mga kids sobra silang natutuwa. Tapos may isa lang, isa lang, naging big deal pa siya.”

“Sobra akong na-sad umiyak ako sa phone. Kasi mukha silang mayayaman tapos may yayas na naka-uniform na nakapaligid. Tapos feeling ko siya yung tita, kasi ‘yung mommy parang nasa gilid lang. Tapos ‘yung tita (sabi), ‘Si Kim Chiu, you know her?’ Tapos ‘yung batang lalaki at babae, maliliit, tinutulak niya. ‘It’s Kim Chiu, take a picture with her.’ Parang ‘yung mga bata, ‘ayaw ko, ayaw ko.’ Hindi ba parang si Rain ‘yung pamangkin ko, pipilitin na magpa-picture kahit di niya kilala, eh ‘di wag na.”

“So ‘yun ang sabi ko. ‘Kayo na lang po.’ Pinipilit niya, pinipilit ‘yung bata. Tapos ako parang, ‘Mamimili pa po kami. Magsasara na po. Ano po ang gagawin natin?’ Tapos ‘yung damit ng batang lalaki naluslos dito (sa kwelyo), lumuwag kasi hawak ng batang babae at ayaw niyang lumapit sa akin at hinihila niya ‘yung kapatid niya. So sabi ni Ate Lakam (Chiu’s sister) sa akin, ‘Ate halika na, halika na.’ Tapos nagpa-picture ‘yung mommy at anak niyang girl. Tapos ‘yung lalaki ayaw niya talaga. So nag-picture kami at umalis na kami.”

“Tapos nagkita kami sa counter, sa bayaran, at noong nasa counter kami lumapit ‘yung tita at the baby girl kasi uulitin niya raw (‘yung picture). Eh, ayaw naman talaga ng batang babae, nawala na nga ‘yung lalaki. Pinipilit pa rin siya, parang ‘halika picture ka it’s Kim Chiu, it’s Kim Chiu you saw her on TV it’s Celine.’ So okay ayan na naman sila at tinginan kami ni Ate Lakam. Eh ayaw talaga ng bata, hinihila talaga siya. So deadma, magbabayad na lang ako.”

“So si tita na alta she wrote sa FB, screengrab, tapos kumalat na sa fans, ‘Kim, totoo ba ito? Na-sad naman kami.’ Parang 3 a.m. nagising ako. Sabi ko isa lang ‘yung di ko pinansin naging big deal. Sa dinami-dami ng nagpa-picture, ginawa nang big deal. Na-sad ang fans. Tapos parang sobrang harsh nu’ng sumulat. Akala niya one of Cebuanas ako, ‘di ba Cebuana happy happy, smiling face pero hindi raw sobrang sungit.”

Ayan, move on na tayo Kim, huwag nang patulan ang mga nangne-nega sa ‘yo dahil super hit naman ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING