Chito Miranda, nag-init ang ulo sa nagbarilan dahil sa traffic

ADVERTISING

Chito Miranda, nag-init ang ulo sa nagbarilan dahil sa traffic

Chito-MirandaLUBHANG NAAPEKTUHAN si Chito Miranda sa barilang naganap na ang sanhi ay gitgitan sa trapik.

ADVERTISING

“Hindi sapat na dahilan ang gitgitan sa trafik para bumunot ng baril kahit gaano pa ka-gago yung driver.

“Papatay ka dahil ginitgit ka? #BOBO

“Kapag ginitgit ka, hayaan mo na.

ADVERTISING

“Mas malapit sya sa aksidente at baka masama ka pa sa disgrasya kung patulan mo pa. Kaya hayaan mo na lang.

“Pag may gago sa kalsada, hinahayaan ko na lang. Kasi pag patulan ko tapos pumalag at maglabas ng panaksak, kelangan ko barilin. Stupid diba?

“Ang saya saya ng buhay tapos sasayangin mo lahat dahil lang nagitgit ka ng isang gagong driver? Not worth it diba? Umiwas ka nalang sa gulo,” sunud-sunod na tweet niya.

Immediately, Chito asked for forgiveness dahil sa kanyang inasal.

“Sorry ang init ng ulo. May nagbarilan na naman kasi dahil sa trafik. Di ko talaga ma-gets eh. Kombinasyon ng kayabangan at katangahan eh! :(” say niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING