Chito Miranda, na-bash nang husto sa pagdadalawang-isip kay Duterte

Chito Miranda, na-bash nang husto sa pagdadalawang-isip kay Duterte

Chito Miranda
Chito Miranda

Just because Chito Miranda posted a long aria na pag-aaralan niya kung sino talaga ang iboboto nyang president ay na-bash nang husto ang rocker.

Hindi nagustuhan ng bashers ang pagbabago ng kanyang isip kaya naman lait ang inabot niya.

“Wag naman kayo magalit sa akin. Para naman kayong mga gago eh. Wala naman akong ginagawang masama eh. Pinag-aarlan ko lang ng todo kung tama nga ba talaga ang desisyon ko, kasi chong, napaka-importante ng gagawin nating pagboto,” say ni Chito Miranda sa kanyang FB account.

“Kinabukasan natin ang pinag-uusapan natin dito. Kung manghusga kasi yung iba, parang ang sama sama at ang tanga tanga ng ginagawa ko eh.

“Ganun? Ako pa yung tanga?!

“Chong, maniwala kayo…tama yung ginagawa ko.

“Alam nyo naman na Duterte ako mula dati dahil bilib talaga ako sa nagawa nya para sa Davao eh. Pero pinag-aaralan ko talaga ng todo yung desisyon ko by comparing Duterte’s platform and track record with those of the other candidates.

“Dahil malapit na ang election, walang masama kung ido-double check natin lahat ng options natin.

“Walang masama kung pag-aralan ko ng todo yung plataporma at kakayahan ng bawat kandidato bago ako mag-final decision next week.

“Sa tingin nyo mali ba yun?

“Sa tingin ko, tama nga yung ginagawa ko eh, kasi I’m being a responsible voter. I check and double check all my options.

“Kaya wag nyo akong huhusgahan na walang paninindigan. Di nga ako tumanggap ng pera or kahit ano mula kahit kanino dahil pinangangahalagahan ko yung magiging desisyon ko eh.

“Chong, mas informed ako sa magiging desisyon ko dahil sa ginagawa ko.

“Kung Duterte pa rin ako pagkatapos ko malaman lahat ng pwede kong malaman tungkol sa ibang mga kandidato, at least sigurado ako na tama ako, kasi pinag-aralan ko talaga yung desisyon ko.

“Kung sakaling mag-bago man ang isip ko, ito ay dahil sa matinding pananaliksik at matinding pag-aaral at hindi dahil sa wala akong paninindigan.

“O ngayon…sino sa atin ang mas nag-iisip?”

‘Yan ang aria ni Chito na hindi nagustuhan ng Duterte fanatics.

“Para kang babae, paiba iba isip. Daldal mo pa, pwede mo naman sarilinin yan desisyon mo. Kung kailan malapit na eleksyon, ngayon mo pa naisip yan? Si mang jose ka ba? Ang superhero na pwedeng arkilahin?”

“wag mona pag aralan sya na. pag pinag aralan mo pa at bumagsak ka lalabas na tanga ka. go na sya na.”

“Hindi ka na lang sana nagsalita kasi sikat ka, silip na nga ng ibang kampo na ayaw mo ke digong na post na nga nila sa web at tindi pa nga ang iba kung paano ka sumanib. Ngayon pag ikaw aay lumantad na sabi mo hindi ka bayad, ibang usapan na yan. Inirerespeto ko ang decision mo pero isip isip sana na hindi ka na lang nag salita. Mainit ang eleksion na ito nakasalalay ang buhay ng mga mahihirap.”

‘Yan ang pambabastos na inabot ni Chito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas