Chito Miranda, ‘di na pinakawalan si Neri Naig

ADVERTISING

Chito Miranda, ‘di na pinakawalan si Neri Naig

Chito-Miranda-Neri-NaigANG DAMING nagandahan sa simple but very romantic proposal ni Chito Miranda sa kanyang girlfriend na si Neri Naig.

When Chito posted a message on his @chitomirandajr Twitter account, “This is how I proposed to my girlfriend, Neri…she said YES!!! :)” he also tagged a video of his proposal.

Simple lang ang plot ng story ni Chito, he made Neri believe na type siyang i-cast ng isang friend for a music video.

“Ito ang kuwento noon, okay? I came up with a story na kunwari may music video kami na iso-shoot for typecast, ‘yung concept sa field, lakad-lakad. It’s a front kumbaga, para hindi siya magtaka kung bakit (may video). Kasi gusto kong i-document ‘yung proposal, eh,” he said, noting that “ito ang best story na naisip ko na kunwari music video so hindi siya magtataka kung bakit may camera crew, kung bakit may set-up, may sound, may projector. I came up with a concept na kunwari lakad-lakad sa field tapos may makikita siyang projector.”

ADVERTISING

Si Chito ang in-charge sa lahat, talagang binusisi niya ang mga eksena.

“Ang sinabi kong background niya…the back story of the video is naka-pang-farm siya, parang breezy na damit, naka-boots siya, parang farm girl, alam mo ‘yong parang naglalaro sa mga pelikula…mga fairy, ganoon na tipo. Maglalakad-lakad siya dito, tingin-tingin sa garden na maganda,” kuwento ng Parokya ni Edgar frontman sa video na aming napanood.

Sa night effect ng shoot ay naglakad si Neri papunta sa giant screen. She was surprised when she read a message, “Ako na siguro ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong Cavite.” Then, Chito appeared from behind with matching flowers, nagyakapan silang dalawa habang umiiyak. Inilabas ni Chito ang ring and asked Neri kung payag siyang pakasal sa binata. Nag-yes naman kaagad si Neri. After that, nagliwanag ang paligid dahil sa fireworks na in-enjoy ng couple habang magkayakap.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING