Chito Miranda, bad influence kay Angel Locsin?!

NAKAKALOKA ANG FRONT page ng Pinoy Parazzi kahapon, controversial issue! Nakunan kasi ng aming kamerang-gala si Anne Curtis na lumitaw ang kanang boobs habang nagsasayaw sa summer special ng ASAP XV sa Boracay last Sunday.

Walang kamalay-malay si Anne, nakabandera na pala sa viewing public ang malusog niyang dibdib. Nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari ‘yun naging instant controversial star bigla si Anne sa mata ng publiko!

Kuwento ng friend namin from Boracay, mabilis daw sumaklolo si Sam Milby kay Anne, niyakap niya ito at sabay exit sa dance floor. Nagkagulo raw sa backstage dahil sa hindi inaasahang eksena ‘yun ng dalaga. Parang natulala raw ito sa pangyayari, hindi agad nakapagsalita ang actress. Kung hindi pa sinabi ni Sam ang nangyari sa kanya onstage, wala siyang alam sa pangyayari. Hindi kasi pala aware si Anne na maluwag ang strap ng bra niya na any moment ay matatanggal na ito habang nagsasayaw siya.

Naghiyawan raw ang mga kalalakihang nakapansin sa boobs ni Anne. Seconds lang daw kaya hindi mo mapapansing may ganu’ng eksena palang naganap. Hindi naman kasi babad ang cameraman ng ASAP kay Anne kaya hindi disimulado.

Nang mahimasmasan na raw si Anne, parang walang nangyari, tuloy ang ligaya! Hindi niya kasalanan kung nakita ng madlang people ang dibdib niya.

Sa pangyayaring ‘yun, parang local version si Anne Curtis ni Janet Jackson na nag-hello ang boobs habang nagpe-perform onstage. OA pa nga si Janet dahil nag-iiyak pa ito to think na gimik lang para pag-usapan siya. Ngayon, super hot na pinag-uusapan sa mga umpukan ang ex-girlfriend ni Sam na si Anne.

BILIB KAMI KAY Luis Manzano pagdating sa pagmamahal na ibinibigay niya sa mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Kahit break na sila ni Angel Locsin, todo pa rin ang suporta niya sa ex-girlfriend. Usap-usapan pa rin ang intrigang pasaway at alcoholic raw ang young actress. “I will bet everything that I have… I know how professional she is. Du’n sa mga nagdududa na walang magawa, kausapin nila ‘yung mga nakatrabaho ni Angel. Si Angel laging nasa top 2 na pinaka-professional na artista.

“Hindi siya lasenggera, she’s not alcoholic. I know that for a fact and people close to her, kahit fans knows that, na hindi siya ganoon,” paliwanag ni Luis.

Maugong ang usap-usapang madalas raw magkasama sina Angel at Chito Miranda sa mga gimikan kaya nababalitang  bad influence daw ito sa ex-girlfriend ni Luis. “Hindi, that’s unfair to say… isang buong barkada sila. Kahit anuman ang sabihin ng kahit sino, may sariling desisyon at utak si Angel,” depensang turan niya.

Nakatakdang gawin ni Angel ang teleseryeng Imortal with John Lloyd Cruz. “I’m very excited sa project na gagawin nila. Alam ko kung gaano kagaling na actor si Lloydie, ganoon din si Angel. Ilang beses ko na siyang napanood at magaling siya as an actress. Put them together, it’s gonna be believable teleserye,” papuring sabi ni Luis.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleVicki Belo, ubod ng kasinungalingan?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #273: March 25, 2010

No posts to display