CHILLAX BIRTHDAY PARTY NI JOHN LLOYD CRUZ

ADVERTISING

CHILLAX BIRTHDAY PARTY NI JOHN LLOYD CRUZ

CHILLAX BIRTHDAY PARTY NI JOHN LLOYD CRUZ
John Lloyd Cruz with Mommy Aida, Bea Alonzo and Maja Salvador

BIRTHDAY ng guwapong binata na si John Lloyd “Idan” Espidol Cruz na mas kilala sa showbiz as John Lloyd Cruz last Saturday, June 24. He turned 34 years old.

“Idan” ang tawag sa kanya ng pamilya niya at close non-showbiz friends niya.

Naganap ang “chillax” party ng aktor sa isang art gallery cum workshop studio somewhere near Brgy. Immaculate Concepcion near Cubao sa Kyusi.

Bakit sa isang  arty-fartsy venue? Sa mga hindi nakakakilala kay Lloydie,  isa ang aktor sa mga showbiz personalities natin na ang hilig ay sa visual arts. Kung saan may art fair, asahan mo na baka maispatan mo si Lloydie.

ADVERTISING
CHILLAX BIRTHDAY PARTY NI JOHN LLOYD CRUZ
John Lloyd Cruz with Irma Adlawan

Art collector si JLC. Bumibili siya ng mga art pieces kahit sa presyo ng kalahating milyon. Ayon sa entertainment reporter na si Mario Dumaual, madaming mga young and promising artists’ art pieces ang na-acquire na Lloydie.

Ang broadcaster na si Julius Babao malamang ang nakatulong naka-impluwensya sa aktor sa hilig nito sa art na isa rin pop art collector.

Happy at chill na chill daw ang mood ng party.

Dumalo ang ex-girlfriend niya na si Angelica Panganiban na sa ilang pagkakataon noong sila ang magkarelasyon noon, ang aktres ang kasa-kasama ni Lloydie sa mga art opening and events.

CHILLAX BIRTHDAY PARTY NI JOHN LLOYD CRUZ
JLC with Angelica Panganiban, Bea Alonzo and male friends

Spotted at the party ni JLC ay sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Joem Bascon, Ellen Adarna, Vhong Navarro, Alden Richards, actress Irma Adlawan  at marami pang iba at syempre,  ang mom ng aktor na si Mommy Aida.

Belated Happy Birthday Lloydie!

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING