Child star AJ Ocampo, idolo sina Marian Rivera, Andrew E., at Daniel Padilla

Child star AJ Ocampo, idolo sina Marian Rivera, Andrew E., at Daniel Padilla

AJ Ocampo
AJ Ocampo

From commercial model ay pinasok na rin ng 7 years old na si child star na si AJ Ocampo ang pag-arte sa pelikulang “Sa Isang Sulok ng Mundo” directed By GM Aposaga.

Ayon nga kay AJ Ocampo nang makausap namin sa pictorial ng nasabing pelikula last April 11, “Gusto ko pong maging artista, kasi magaling silang umarte. Gusto ko rin pong maging magaling umarte.”

Ang mommy nga raw nito ang nag-engganyo sa kanyang mag-artista. “Ang mommy ko ang nagsabi na mag artista ako.”

Suportado raw ito ng kanyang daddy . “’Yung daddy ko, sinasabihan ako na gusto raw niya akong mapanood sa TV, kaya happy siya kasi may movie na ako at mapapanood na niya ako.”

Ano ang role mo sa movie? “Ako po ‘yung anak ng mayaman (Lara Quigaman) na lumayas at naging pulubi at mandurukot. Magaling po ‘yung direktor namin (Direk GM), kaya nakaarte po ako anang tama. Pero minsan, nahihirapan po ako. Pero nag-workshop po kasi kami bago nag-start, bale nag-workshop po ako sa Star Magic.”

Fave actress daw nito si Marian Rivera, dahil bukod daw sa maganda ay magaling umarte. “Si Ate Marian Rivera po ang paborito ko kasi maganda at magaling umarte. Gusto ko po siyang makatrabaho.”

Habang si Daniel Padilla naman daw ang paborito nitong actor. “Paborito ko po si Kuya Daniel, kasi guwapo siya at magaling ding umarte. Napanonood ko po siya kasama ni Ate Kathryn (Bernardo) sa ‘Pangako Sa’Yo’,”

Hilig din daw ni AJ ang kumanta at si Andrew E. ang fave singer nito. “Kinakanta ko po at gusto ko ‘yung ‘Banyo Queen’, kaya paborito ko si Kuya Andrew E.”

John’s Point
by John Fontanilla