Chie Filomeno inaming crush ang datin kasamahan sa PBB na si Kyle Echarri

Leo Bukas

WALANG paliguy-ligoy na inamin ng former PBB Celebrity housemate na si Chie Filomeno na crush niya ang kapwa kasamahan sa PBB na si Kyle Echarri. Ang dalawa ay magkasunod na-evict sa PBB ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Chie sa interbyu ng Magandang Buhay, na-fall siya kay Kyle habang nasa PBB house pa sila pero hindi pa raw maituturing na romantically ito.

Chie Filomeno inaming crush ang datin kasamahan sa PBB na si Kyle Echarri
Chie Filomeno and Kyle Echarri

“Grabe yung romantically. Pwedeng crush muna?” pagtatapat ng bagong GSM calendar girl.

“Kasi parang sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” dagdag pa niya.

Sa naturang interbyu ay ibinahagi rin ni Chie na ang pagkakaroon nila ng special bond ni Kyle while inside the PBB house ang dahilan daw para mas mapalapit sila sa isa’t isa.

Matatandaang bago pa man pumasok ng PBB si Chie ay nagkaka-chat na sila ni Kyle.

“Yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi kami yung parang takbuhan namin yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” she said.
Teka, ilang taon ba ang tanda ni Chie kay Kyle? Kelan lang kasi nagbinata si Kylie samantalang si Chie ay dalaga na few years back simula nung naging member siya ng grupong Girltrends.
Kunsabagay, she looks young pa rin naman and very sexy. And sa totoo lang, di naman na isyu ang edad sa mga taong nagkakagustuhan, ‘di ba?