Cherry Pie Picache, ibinida ang sweetness nina James at Nadine sa San Francisco, California

Cherry Pie Picache, ibinida ang sweetness nina James at Nadine sa San Francisco, California

Cherry-Pie-PicacheSI CHERRY Pie Picache ang isa sa nakasama nina Nadine Lustre at James Reid sa San Francisco, California, kung saan sila namalagi nang ten days para sa taping ng teleserye nilang On The Wings Of Love na magsisimulang umere sa August 10 sa ABS-CBN.

Sa grand presscon ng serye, tinanong ang buong cast kung may napansin ba silang romantic moment kina Nadine at James sa San Francisco, California. Hindi naman naging maramot si Cherry Pie na i-share ang nakita niya sa dalawang habang nagte-taping sila sa nasabing bansa na sobrang lamig. May moment daw talagang super sweet ang dalawa. Kung ano raw ang sweetness ng dalawa sa mga eksena sa On The Wings of Love ay ganoon din kapag off camera.

Hindi lang masabi nang diretso ni Ms. Picache kung may relasyon na nga ba ang dalawa. Pero one thing is sure si Cherry Pie na lalabas na tita nila sa serye na may patutunguhaan ang loveteam nina Nadine at James.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo