Cherie Gil, kanya raw ang pamosong linya sa Bituing Walang Ningning

ADVERTISING

Cherie Gil, kanya raw ang pamosong linya sa Bituing Walang Ningning

1 Cherie-GilNAGULAT DAW ang buong casts at namamahala sa produksiyon ng pinipilahan ngayong musical play sa Resorts World Manila Newport Performing Arts Theater na Bituing Walang Ningning, dahil nakatanggap ng Cease and Desist Letter mula kay Atty. Lorna Kapunan ang Viva Films at ang management ng Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, noong Biyernes, June 19.

ADVERTISING

Nakalagay sa Cease and Desist Letter ang pagpapahinto ni Cherie Gil sa Viva at Resorts World Manila management sa paggamit ng famous line na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!” na si Cherie raw mismo ang nakaisip.

Maalalang si Cherie ang gumanap na Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning way back 1985 sa nasabing pelikula ng Viva Films.

Sa ngayon daw, wala pa naman daw advice kung pansamantalang ihihinto ang pagpapalabas nito o ie-edit na lang ang nasabing famous line, kaya naman diretso pa rin ang pagpapalabas nito at nadagdagan pa ang kanilang araw at oras dahil sa dami ng mga taong gusto itong mapanood.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING