Cherie Gil, Best Actress sa Madrid International Filmfest

ADVERTISING

Cherie Gil, Best Actress sa Madrid International Filmfest

Cherie-GilMULING NAKASUNGKIT ng kanyang ikalawang international Best Actress award ang mahusay na aktres na si Cherie Gil.

ADVERTISING

Ito ay sa 2015 Madrid International Film Festival na ginanap sa Madrid, Spain kamakalawa, para sa pelikulang Mana, directed by Gabriel Fernandez (nicknamed Gabby), produced ng College of Saint Benilde (De La Salle University), na nanalo ring Best Feature Film (with 8 nominations)!

Tinalo ni Cherie ang pitong foreign actresses, namely:  Susie Porter (“Is This The Real World”), Rachelo Hurd-Wood (“Highway to Dhampus”), Tilda Cobham-Hervey (“One-Eyed Girl”), Lily Rabe (“Reemption Trail”), Mary Krohnert (“Nocturne”), Ira Dubey (“M Cream”), ang Carlotta Elektra Bosch (“The Amateur”).

Unang nanalo ng Best Actress award si Cherie sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) for Sonata naman na dinirek nina Peque Gallaga and Lore Reyes.

ADVERTISING

Dumalo si Cherie sa Malaysia n’ung April 2015 kaya personally niyang nakuha ang kanyang AIFFA Best Actress award, and sa Madrid, nagpunta rin si Cherie and got her second international acting award!

Very first Best Actress trophy niya ito for film, dahil ang previous trophies na meron si Cherie ay Best Actress for television nang manalo siya sa Cebu series sa PMPC Star Awards for Television years ago.

The rest ay puro Best Suporting Actress wins na for Cherie – mula sa FAMAS, Film Academy of the Philippines, CMMA, MMFF, at Pasado Awards.

Bonggacious si Cherie dahil kahit ilang taon na siya sa industriya ay ngayon lang nare-recognize as Best Actress – at sa ibang bansa pa. Although na-nominate din siya sa PMPC Star Awards for Movies (for Mana rin) as Best Actress last March 2015 – kung saan nanalo si Nora Aunor for Dementia.

Laking tuwa at very proud si Cherie sa latest victory nito, at aniya, naniniwala siyang ito ay dahil sa guidance ng kanyang yumaong kapatid, ang aktor na si Mark Gil, na kung tawagin niya ay “Ralphie” (Ralph is Mark’s real name).

Masayang post ni Cherie sa kanyang social media account: “Happy!!!! And proud! Thank you so much MADRID Int’l Film Festival! Ralphie!!!! We’ve done it! Again!! Gabriel Fernandez, thank you so much for this GIFT of a film.

“And of course to La Salle, St. Benilde and to all the students who were part of ‪#‎mana! We will always have Madrid!!”

Super congrats!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING