Chef Boy Logro, minaliit dahil elementary lang ang natapos

ADVERTISING

Chef Boy Logro, minaliit dahil elementary lang ang natapos

Chef-Boy-LogroKAHIT NA elementary graduate lang si Chef Boy Logro, nakamit pa rin niya ang tagumpay. Naging cook sa maliit na resto at dahil sa may angking dunong sa pagluluto ay naging tagasilbi ng hari ng Saudi.

Dinala siya ng hari sa England at doon ay pinagluto din niya si Princess Diana ng green salad na siya raw paboritong pagkain ng Prinsesa.

‘Eto na nang mag-apply siya sa isang TV network at nakita sa resume niya na elementary graduate lang ang tinapos ay pinagduduhan ang kakayahan ni Chef Logro ng staff kung paano raw ito makikipag-usap at haharap sa mga tao kapag kinuha nila sa isang TV show. Natural na nasaktan si Chef Boy, pero dinedma na lang at nagpatuloy na magpresinta bilang cook sa isang show.

“Ang hindi kasi nila alam, marunong din akong magsalita ng English dahil nagtrabaho ako sa iba’t-ibang bansa,” say ni Chef Logro.

ADVERTISING

Ngayon, isa nang sikat na celebrity si Chef Boy Logro at pinagkakaguluhan na kapag nakita sa labas para magpirma ng autograph at magpa-picture kasama siya.Pero hindi rin nakaligtas si Chef Logro sa intriga mula nang sumikat at makilala. Nandoong laging nakabuntot daw ang wife niya dahil selosa.

“Hindi totoong selosa si Misis. Menopouse na si Misis at ako naman kinakapos, hahaha,” nakatawang pahayag ni Chef Logro.

Totoo raw na laging kasama niya si Misis dahil ito raw mismo ang nag-aasikaso ng lahat ng gamit niya sa taping. Gusto kasi raw ng maybahay niya na maayos ang lahat ng gamit niya at naaasikaso siya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING