CHARO SANTOS, MASAMA ANG LOOB KAY RUFFA GUTIERREZ?!

GIMIK LANG ANG hiwalayang Michelle Madrigal at John Hall. Pero ayon sa dalawa nang makausap namin sa blessing ng bagong office ni Annabelle Rama sa Imperial Palace, hiwalay na talaga sila. Talaga namang tumaas ang kilay namin nang milya-milya.

Sa lahat naman kasi nang nag-break, sina Michelle at John ang sweeet pa rin sa isa’t isa. Ang katuwiran ni Michelle, maganda raw ang kanilang paghihiwalay, kaya magkaibigan pa rin sila. Ewan ko, pero hindi namin sasakyan ang gimik na ito. Hindi naman siguro mga bato ang kanilang puso na kahihiwalay lang, heto at sweet pa rin sila sa isa’t isa. At take note, hindi raw sila magkakabalikan pa dahil masaya sila sa kani-kanilang buhay.

Isa lang ang masasabi namin sa kanila, hindi kami naniniwalang hiwalay na sila. Gumigimik lang sila para mapag-usapan at mabuhay ang kanilang matagal nang nakahimlay na career. Tsuk!

HINDI NANINIWALA SI Ruffa Gutierrez na masama ang loob ni Charo Santos sa kanya matapos niyang sabihin na ang kanyang role sa Mga Nagbabagang Bulaklak ay tulad ng kay Miss Charo na may mga hawak na talent at paiikutin niya ang buhay ng kanyang mga talent sa paraang gusto niya, dahil nasa loob ang kanyang kulo.

“Naku, I’m sure hindi naman papatulan ni Ma’am Charo ang intrigang ‘yan dahil alam naman niyang hindi gano’n ang gusto kong sabihin. Ang totoo, bakit ko sasabihin sa kanya ‘yon, e ang laki-laki ng respeto ko sa kanya,” sey ng TV host-actress.

Sinabi rin ni Ruffa na totoong kung minsan ay iba ang sinasabi niya sa gusto niyang ipakahulugan.

“Madalas kasing nangyayari, nakakain ko ang mga word na tamang gamitin at napapalitan ito ng mga linyang hindi gano’n kagandahan, kaya kapag inaatake ako ng gano’n, kung minsan nakakalimutan ko kung ano ang kahulugan nang gusto kong sabihin. But I’m sure, wala ‘yon kay Ma’am Charo dahil wala namang dahilan para magsalita ako ng gano’n sa kanya,” pahayag ni Ruffa habang tuwang-tuwang pinanonood at pinakikinggan ang pagkanta ng dalawang anak.

PINAGTAWANAN NI RAYMOND Bagatsing ang isyung nag-cross-dresser siya sa Amerika at niladlad niya ang kanyang kapa. “Well, kung i-deny ko ba ‘yan, may maniniwala sa akin? At kung aminin ko man ‘yan, titigilan ba nila ako? Wala na lang akong sasabihin, dahil kahit ano pa ang gawin kong paliwanag kung hindi sila maniniwala, wala akong magagawa,” sunud-sunod na sabi ni Raymond nang puntahan namin siya sa taping ng ‘Untold Story’ ng Face To Face.

Maraming balita na raw ang nakakarating sa kanya tungkol sa umano’y kanyang kabaklaan. “Ayokong i-entertain ang mga ganyang intriga. Alam ko naman sa sarili ko kung ano ako, basta ang masa-sabi ko, hindi ako nagagalit at lalong hindi ako mababahala kung sinasabi nilang ako’y isang bakla,” ani Raymond.

Inamin naman ni Raymond na na-miss niya ang pagharap sa kamera. “ Kasi ang showbiz career ko minsan may gawa at kung minsan ay wala, pero hindi tayo natitigil sa work dahil marami naman tayong pinagkakaabalahan. Alam naman n’yo na hindi ako ‘yung taong napipirmi sa bahay nang naka-relax lang.”

At kung sa mga nagsasabing may mga picture siya na naka-crossdress, ito lang ang kanyang mensahe, “Thank you. Bongga!”

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleKUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!
Next articleDahil kay Ombudsman Gutierrez… KASAL NINA SEN. BONG REVILLA JR. AT CONG. LANI MERCADO, NAUDLOT!

No posts to display