Charlie Sutcliffe, busy sa pagtanggi sa mga indicent proposal

ADVERTISING

Charlie Sutcliffe, busy sa pagtanggi sa mga indicent proposal

Charlie-SutcliffeSTILL ON Wattpad Presents, isa sa mga hunks sa patapos nang TV adaptation nito na si Charlie Sutcliffe ay isa sa mga miyembro ng Juan Direction. Pero intact pa ba ang kanilang grupo?

ADVERTISING

“Yeah,” in crisp British twang, “It still is. It hasn’t been disbanded, it’s just that each one of us is busy.”

Pero ikina-busy rin pala ng Briton na ito ay ang pagtabla sa mga nag-o-offer sa kanya ng mga indecent proposal. Like who in particular?

“About a few of them are make-up artists whom I’ve worked with in my modelling stints before,” kuwento niya, pero hindi raw kalakihan ang mga presyong inaalok nila for a night’s sex. So who’s offering quite a sum?

ADVERTISING

Sa Internet pala nakikipag-deal ang mga ‘yon, most rich gay businessmen na namemresyo muna ng isandaang libong piso until it reaches a million. Kumagat ba si Charlie sa isang milyong piso?

“No! I tell them right away that I have a girlfriend (isang Pinay na lumalabas sa mga TV commercial), and I’m faithful to her,” sabay lihis sa isyu, “I love her so much, but there are times when she’s impatient with me most specially when she’s teaching me how to speak Tagalog.”

 

DRAMA UNFOLDS in this Sunday’s episode of Ismol Family.

Dumating na kasi ang na kinatatakutan nina Jingo at Majay. Nagbalik na kasi sa Pilipinas ang tunay na nanay ni Yumi na si Marie.

Hindi siyempre maiwasang maisip ni Majay na maaaring bawiin na ni Marie si  Yumi at tuluyan na itong ilayo sa kanila. Kabado rin si Ethan, dahil ayaw niyang mawalay ang kanyang love.

Niyaya ni Marie sina Bobong at Yumi na mag-bonding lang naman, pero ang ikinabahala ng lahat ay hindi umuwi sina Bobong at Yumi kinagabihan. Itinakas na nga ba ni Marie si Yumi?

Mula naman nang dumating si Lance ay hindi siya pinapansin ng mga tao kaya ganu’n na lang ang kanyang pagkainis. Kaya nang maiwan ni Bobong  ang kanyang cellphone, may naisip na paraan si Lance para makaganti, and how?

Still, the nagging question remains: goodbye na ba talaga kay Yumi? If so, paano ‘yon matatanggap nina Jingo at Majay? And how will Ethan take it as well?

Abangan ang kasagutan sa Ismol Family ngayong  Linggo, 6:45 ng gabi. 

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING