Charlie Dizon pinigilan ng istriktong parents na pasukin ang showbiz

Leo Bukas

Ang pagkakaroon pala ng overprotective parents pala ang dahilan kung bakit hindi agad pinasok ng Fangirl best actress na si Charlie Dizon ang pag-aartista. Gusto raw kasi ng kanyang mga magulang na tapusin niya muna ang pag-aaral bago siya mag-showbiz.

Charlie Dizon pinigilan ng istriktong parents na pasukin ang showbiz
Charlie Dizon

“Personally kasi yung mommy ko overprotective talaga. Parang ang tagal din bago niya ako pinayagan dito sa showbiz, bago ako pinayagan lumabas-labas, ganyan. Kumbaga, madami din akong hindi nagagawa dahil sa limitations ko because sobrang overprotective nga din ng mom ko. Pero siguro more than that, yon lang yung nakaka-relate din ako,” paliwanag ng dalaga.

Hindi raw naman sumama ang loob niya kahit istrikto ang mga magulang habang siya ay lumalaki.

Aniya, “Actually sobrang thankful ko na ganun yung parents ko sa akin. Dati kasi nung time na nag-ta-try ako mag-artista, sobrang pinu-push ng mom ko na magtapos muna ako ng pag-aaral. Sobrang ayaw niya ako pag-artistahin noon. Hanggang sa maka-graduate ako tapos sakto din yung pasok ko sa ABS-CBN. Kaya sabi ko lahat nangyayari dahil may dahilan and I’m thankful na sila yung nag-guide sa akin talaga and lumaki ako ng ganito.”

Bida si Charlie sa iWant TFC Original Series na My Sunset Girl. Gagampanan niya dito ang role ng isang babae na merong rare condition na ang tawag ay xeroderma pigmentosum  na hindi puwedeng ma-expose sa sunlight.

“Pag napanuod niyo yung My Sunset Girl madami ding makaka-relate dun kasi si Ciara in her case matagal siyang hindi nakakalabas ng bahay and lately with what’s happening sa atin sa mundo, ang dami ring hindi nakakalabas ng bahay because of quarantine and this pandemic.

Charlie Dizon pinigilan ng istriktong parents na pasukin ang showbiz
Jameson Blake and Charlie Dizon

“And ang daming makaka-relate sa part na yun. Ang dami nilang hindi na-e-experience sa labas and of course yung social media madaming nakilala doon because of this quarantine, mga ganun,” lahad pa niya.

Partner ni Charlie sa My Sunset Girl na mapapanood simula July 14 si Jameson Blake. The series is directed by Andoy Ranay.