Charlie Dizon bida na sa Kapamilya thriller series na ‘Viral’

PAGKATAPOS ng matagumpay na paglunsad sa kanya bilang isang ganap na lead movie star sa ‘FanGirl’ na siya pa ang nakauwi ng Best Actress award sa 2020 Metro Manila Film Festival, sa telebisyon naman mamayani ang ganda at galing ni Charlie Dizon.

Charlie Dizon bida na sa Kapamilya thriller series na ‘Viral’
Charlie Dizon in Viral

Ang dalaga ang isa sa mga bida ng upcoming Kapamilya Channel thriller show na ‘Viral’. Kasama rin sa programa ang mga nagbabalik-Kapamilya na sina Dimples Romana, Ria Atayde at Jake Cuenca (na napanood muna sa TV5 na may basbas ng kanilang management). Tampok rin sina Jameson Blake at Markus Paterson.

Base sa teaser trailer na mismong si Charlie ang nagshare sa Instagram, mukhang maiinvolve sa isang video scandal ang karakter ni Charlie, na ngayon pa lang ay kitang-kita na ang intensity sa kanyang pagganap. Makakapares niya rito ang kanyang ‘Four Sisters Before the Wedding’ co-star na si Jameson Blake. May love triangle kaya sila with Jameson Blake?

Mapapanood ang ‘Viral’ soon sa Kapamilya Channel at A2Z Channel 11. Para sa mga online viewers, abangan sa Kapamilya Online Live at IWantTFC ang upcoming thriller series na ito!

Bago inilabas ang teaser ng ‘Viral’, naging usap-usapan na magkakaroon ng remake ng ‘Doctor Foster’ o ‘The World of the Married’ ang Kapamilya channel at sina Judy Ann Santos at Charlie Dizon diumano ang mga bida. Matutuloy kaya ito? Exciting ito kapag nagkataon!