Charlene Gonzales, nothing to be jealous about Angel Locsin

ADVERTISING

Charlene Gonzales, nothing to be jealous about Angel Locsin

Charlene Gonzales, nothing to be jealous about Angel LocsinMAY KARAPATAN NAMAN talaga si Charlene Gonzales na ipagmalaki sa buong showbiz, na napakabait ng kanyang husband na si Aga Muhlach.  Kasi nga, kahit nakarating na sa dulo ng kanyang kasikatan ang guwapong aktor, hindi siya naging mayabang na para bang pumasok sa ulo ang popularidad na mayroon siya. Hindi pa masyadong uso sa showbiz ang handler ng mga sikat na artista, pero nu’ng binata pa ang alaga ni Manay Ethel Ramos, matsitsika mo ang aktor sa simple niyang ugali, na parang hindi siya sikat na artista.

ADVERTISING

Ang isa pa sa napakagandang ugali ni Aga, parang hindi niya alam na napakaguwapo niya. Bumubungisngis na lang siya kapag nalulunod na siya sa kapupuri ng mga tao sa kanyang paligid, at sinasabing panalo ang hitsura niya. Palakaibigan din si Aga sa mga babae, kaya du’n na lang nagsisimula ang pagkakaroon ng closeness na nauuwi sa relasyon. Hindi sanay si Aga na manligaw, kaya ang ending ay ang napakaraming babae sa showbiz ang nagpapakita sa kanya ng motibo.  Parang manok lang si Aga na tumutuka ng palay na lumalapit kapag type din niya. Kaya nga noon ay napagbibintangan din siyang playboy.

Maamo ang sex appeal ni Aga sa mga babae. Si Angel Locsin ang makakapagpatunay niyan, dahil magkasama sila sa pelikulang In The Name Of Love ng Star Cinema. Happy si Angel na nangyari pa sa career niya ang dating imposible na maging leading man si Aga. Walang selos na puwedeng maramdaman si Charlene kay Angel, dahil nu’ng nagsisimula pa lang ang movie ng Star Cinema, nagpakawala na si Angel ng mga salitang nirerespeto niya at hinahangaan din si Charlene.

PARA TALAGANG NABUNUTAN ng malaking tinik sa kanyang dibdib si Rayver Cruz, dahil plantsado na talaga ang dati’y naging kontrobersiyal na mga tampuhan at patutsadahang naganap sa pagitan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo, na siyempre pa’y siya mismo ang pinag-ugatan ng mga problema, dahil parehong nagkaroon ng kaugnayan sa kanya ang dalawang sikat na artista ng ABS-CBN. Nasaktan din nang sobra ang young actor, dahil marami ang naiinis sa kanya nu’ng hindi pa siya nagsasalita tungkol sa isyu ng hidwaan nina Cristine at Sarah.

ADVERTISING

Ngayon, nagsasalita na si Rayver, na talagang nahirapan siya sa pinagdaanang sitwasyon ng alitan nina Cristine at Sarah, dahil mahirap para sa kanya ang magbigay ng anumang pahayag. Pareho nga kasing napamahal sa kanya ang dalawang kontrobersiyal na aktres. Sobra ring nahirapan si Rayver, na kapag araw ng Sunday sa ASAP Rocks, madalas mangyari na kung nagkakasalubong sila ni Sarah ay nagkakailangan sila at nagkakaiwasan pa.

Aminado sina Rayver, Cristine at Sarah na talagang na-ging mahirap para sa kanilang tatlo ang gusot na pinagdaanan nila.  Hindi rin sila natutuwa na mayroong ibang taong nadadamay, na ang intensiyon lang naman ay magkaayus-ayos silang tatlo. Bongga nga ang nangyari, dahil ngayong nagkabati-bati na sila, okey na raw sa kanila kung pagsamahin sila sa isang project. Kung magkakatuluyan, isang maliwanag na love triangle na naman ito!

PERSONAL: GUSTO KO lang i-welcome dito sa Pinoy Parazzi, na kapamilya na pala namin bilang kolumnista ang hinahangaan at paborito kong si Atty. Persida Acosta (sa kanyang “Atorni First”) na isa sa mga Trio Tagapayo ng Face To Face ng TV5. Aliw na aliw ako kay Atty. Acosta kapag nagbibigay siya ng kanyang mga payo, dahil sobra siyang may puso at pang-masa talaga sa kanyang atake ng pagbibigay ng mga payong legal.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING