Charlene Gonzales nami-miss ang pagsayaw

Leo Bukas

PINUSUAN ng netizens ang post ni Charlene Gonzales-Muhlach kamakailan lang sa social media habang siya ay sumayaw sa tugtog ng kantang Can’t Take My Eye Off You.

Caption ng actress-TV host, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & reunite with my dance partner from Eezy Dancing & Keep on Dancing, Albert Dimarucut.”

Charlene Gonzales nami-miss ang pagsayaw
Charlene Gonzales

Ibinulalas din ni Charlene sa kanyang post kung gaano na niya nami-miss ang pagsasayaw.

“So much fun memories… I miss dancing, my VIP family & Maribeth Bichara. Who taught me everything I know about dancing,” sabi pa niya. pa.

First time din daw siyang napanood ng kambal nilang anak ni Aga Muhlach na sina Atasha at Andres na sumayaw.

“Just sharing my happiness with you all. Keep on Dancing everyone. Much love always,” lahad ni Charlene.

May naging reaksyon naman si Aga sa post ng asawa.

Ani Aga, “Yaaaaz!!!!!! you challenging me my love??? Hahahaha.”

Twenty one years ng kasal sina Charlene at Aga at simula nung maging Mrs. Muhlach ang dating beauty queen ay huminto na rin ito sa showbiz.

Sa interview namin noon kay Aga ay ibinahagi nito na gusto na ulit bumalik sa showbiz ng kanyang misis para magtrabaho lalo na ngayong sa ibang bansa nag-aaral ang dalawa nilang anak.

“We’ve talked about it. Sabi ko, ‘My loves, if you really want to start working, it’s really okay, I’m not stopping you, go ahead.’ Pero medyo kinakabahan siya, but she wants to. People don’t know or TV stations don’t know that she’s willing to work again. Well, I hope they find out that she’s game,” pahayag ni Aga.

Samantala, si Charlene ay naging host ng mga programang Eezy Dancing sa TV5, Keep on Dancing, ASAP, Feel at Home with Charlene, At Home ka Dito at The Buzz ng ABS-CBN.

Previous articleJaclyn Jose ayaw maging hadlang sa pagsikat ng ibang sexy stars
Next articleVLOG WATCH: LOLONG behind-the-scenes ni Ruru Madrid!