Charice, wala pang balak na gayahin si Aiza Seguerra

ADVERTISING

Charice, wala pang balak na gayahin si Aiza Seguerra

CharicePARANG ANG gaan-gaan nang mukha ni Charice Pempengco nang mag-guest ito sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Positive kasi ang pinag-usapan tungkol sa pagbabati nila ng kanyang ina.

Kuwento ni Charice, sa e-mail at sa Skype daw sila nagkaayos ng Mommy niya at ‘yun na nga, nu’ng nag-usap sila uli sa Skype, hinanap na raw ang girlfriend niyang si Alyssa Quijano.

Ipinakita na nga ng Mommy niya na tanggap na nito si Alyssa kaya okay na sila.

ADVERTISING

Ngayong nakabalik na si Charice ng bansa, nagkita sila at magkasama na sila ngayon sa isang bahay.

Maayos na raw silang lahat na parang wala lang nangyari, kaya masayang-masaya na ito.

Okay na raw muna ‘yun at wala pa raw sa plano nila ang magpakasal gaya nina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Okay na raw muna sila sa ganu’ng sitwasyon, at saka na raw ‘yang kasal.

Ang isa raw sa nami-miss ni Charice sa Mommy niya ay ang mga luto nito, at ini-enjoy na nila ito ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING