Charice, umaming may ‘special girl’
“Opo, tomboy po ako!”

ADVERTISING

<i>Charice, umaming may ‘special girl’</i><br>“Opo, tomboy po ako!”

<i>Charice, umaming may ‘special girl’</i><br>“Opo, tomboy po ako!”MATAGAL NANG usap-usapan ang ‘pagpapalit’ ng sexual preference ni Charice mula nang magbago ito ng hairdo at magbihis lalaki. Bagama’t maraming nakikisimpatiya sa kung anuman ang ‘gusto’ ng international singer, wala pa ring tahasang pag-amin mula sa kampo nito o sa kanya mismo. Hanggang kahapon sa showbiz-oriented talkshow na The Buzz ng ABS-CBN.

Sa interview ng host na si Boy Abunda, hindi muna diretsong sinagot ni Charice ang tanong tungkol sa kanyang kasarian.

Parang may pag-aalinlangan pa si Charice sa kanyang panimula. “Tito Boy, meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally… pero pinili ko po rito (sa bansa), dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino. Dahil na-feel ko na gusto kong sila ‘yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako.”

Sa sumunod niyang pahayag, diretso na itong umamin. “Opo. Tomboy po ako.”

ADVERTISING

Dagdag pa ni Charice, “Hindi ko po alam kung ano ang problema du’n. Kasi para po sa akin, wala pong problema ‘yun.

“Ngayon, gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako, maraming-maraming salamat po.”

Para kay Charice, isang malaking tinik sa dibdib ang nabunot sa kanya nang aminin niya ang tungkol sa kinukuwestiyong kasarian. Malaya na aniya siyang makalalabas ng bahay nang walang itinatago.

“Sa ginagawa kong ito, gusto ko lang na sabihin sa inyo na ang gaan ng pakiramdam ngayon,” maluha-luhang sabi ni Charice. “Na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao… dahil wala akong itinatago!”

Humingi naman siya ng paumanhin sa taong sa palagay niya ay nasaktan o masasaktan niya sa kanyang paglaladlad. “Sorry, Mommy… Carl (kapatid na lalaki ni Charice)… pero ito ako. Proud ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito.

“Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na… alam ko, marami sa inyo, disappointed. Alam ko nga ilan sa inyo siguro, tatalikuran na ako. Sorry. Alam ninyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry. Naiintindihan ko,” ani Charice.

Inamin din ni Charice kay Kuya Boy na nagkaroon na siya ng mga nakarelasyong babae noon. “Siyempre po hindi ko naman masasabi kung sino ‘yung mga nakaraan. Pero, opo naman, na-experience ko na po ‘yan.”

Hindi man tahasang sinabi ni Charice kay Kuya Boy, malinaw rin na may ‘special relationship’ ang singer kay Allyssa Quijano na member ng female group na AKA Jam, finalist sa The X Factor Philippines. Malakas kasi ang usap-usapan na nakikipag-live-in si Charice kay Alyssa.

“Matagal na po kaming magkakilala, nagkakilala kami nine years old siya, ten ako. Sa mga singing contest po, nagkakalaban kami lagi. And then nagkita po kami uli sa X Factor. Pero ang masasabi ko lang po, siya sa buhay ko, she’s an inspiration. Isa po siya sa pinagkukunan ko po ng lakas ngayon. She’s a very special person,” saad niya.

Nang tanungin ni Kuya Boy kung mahal niya si Alyssa: “Sana mabuksan n’yo ‘yung puso ko para makita ninyo ‘yung sagot!”

Kinulit pa ni Kuya Boy na kung bubuksan ang puso niya, “Is it a yes or a no?” “Malakas po ang tibok,” tila kinikilig pang sagot ni Charice.

Sa tanong kung nagtanan ba sila ni Alyssa, hindi niya naman ito diretsong sinagot. “Tito Boy… ano, ha? Parang masyado akong binata!”

May mensahe naman si Charice sa mga taong ayaw kay Alyssa: “Basta po ang masasabi ko lang, hindi naman nila kilala si Alyssa. They don’t know how amazing she is!”

 Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING