Charice, scripted ang drama sa libing ng ama?!

ADVERTISING

Charice, scripted ang drama sa libing ng ama?!

Charice, scripted ang drama sa libing ng ama?!AKO ANG NAATASANG mag-interview via phone patch kay Sen. Bong Revilla sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Ramdam ko ang sobrang bigat ng dinadala ni Bong kaya nalulungkot talaga ako para sa kanya.

Malaking palaisipan sa kanila itong pag-alis ng kapatid sa ama niyang si Ramona “Mara” Revilla patungong Hong Kong sa gitna ng gulong ito at nadamay pa siya sa kaso.

Kaya sabi nga ni Bong, sign of guilt itong ginawa ni Mara.

ADVERTISING

Ang kuwento pang nakarating sa amin, may asawa na pala si Mara na nasa Turkey at gusto na raw nitong umalis at pumuntang Turkey nu’ng nakaburol pa lang si Ramgen. Pinigilan lang ito at pinakiusapang hintayin namang malibing lang ang kapatid nito.

Pero nasangkot na nga siya sa kasong pagpatay kay Ramgen kasama ang kapatid niyang si Joseph, lalo siyang nadiin nang umalis ito pa-Hong Kong. Ang duda nga ng karamihan ay baka tumuloy na raw ito ng Turkey.

Kaya nakiusap si Bong sa nanay nina Mara na pabalikin ito ng bansa.

“Ako’y nananawagan sa nanay ni Mara na si Genelyn, pabalikin mo ang anak mo. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam na aalis ang anak mo.

“Pabalikin mo ang anak mo kung talagang walang sala siya, pabalikin mo. Para maging maliwanag ang lahat, dahil anak mo ang biktima. Anak mo ang pinatay. Si Ramgen anak mo, mahal ka ng anak mo, alam mo ‘yun. Kailangang mabigyan siya ng hustis-ya,” pahayag ni Bong nang kinausap ko ito sa Startalk.

Sabi pa ni Bong, kung ano raw ang sakit na nararamdaman ngayon ng kanilang ama, ganu’n din ang naramdaman nilang lahat dahil wala nga silang kasalanan, pero nadadamay sila rito at ang buong angkan ng Revilla.

Kaya nanawagan na rin si Bong sa PNP na gawin na raw nila ang agarang pagresolba sa kasong ito para mabigyan naman daw ng hustisya ang pagkamatay ni Ramgen at ang muntik na ring pagkamatay ng kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Nakiusap na rin siya sa Department of Foreign Affairs na mag-exert ng legal and diplomatic efforts at pati na rin sa PNP na makipag-coordinate sa Interpol para mapabalik dito si Ramona at harapin ang kasong ito.

Ang latest ko pa nga palang narinig, may iniwan daw si Ramona na audio-video tape at meron daw siyang mensahe roon.

Kung ano man ‘yun, sana magbibigay ng linaw ito sa kaso at totoo lang sana ang mga sinabi niya.

 

NAPANOOD ‘NYO NA rin siguro sa Startalk ang live coverage namin sa libing ng ama ni Charice Pempengco na si Ricky Pempengco. Inilibing ito sa may Cabuyao, Laguna at talagang dinagsa ito ng napakaraming tao.

Kaya lang nu’ng pinapanood ko ito, parang na-off ako kay Charice pati sa nanay nitong si Raquel. Alam naman natin kung ano ang galit nito kay Ricky at tatlong taon pa lang si Charice nang magkahiwalay sila. Kaya masasabing wala silang magandang pinagsamahan.

Nu’ng kasikatan ni Charice at tinatamasa ang maganda nitong kita, nasa Laguna pa rin ang Tatay niya at pa-kalat-kalat lang nga roon.

Nu’ng namatay ito at nu’ng dumating sina Charice, sinabi pa nitong kung hindi lang daw nag-drugs ang kanyang ama, malamang na hindi niya ito inabot.

Pero kung makangawa siya sa libing pati ang nanay niyang galit noon ang asawa niya, aba kung makangawa sila, parang ang dami nilang magagandang pinagsamahan.

Hindi talaga magandang panoorin kaya ewan ko lang, ha? Nakaka-off ang dating na ‘yun ni Charice.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING