Charice Pempengco at Jessica Sanchez, Pinagsasabong ng mga Kapwa-Pinoy!

NAKALULUNGKOT NAMAN ang nangyayari sa iba nating kababayang Pinoy na walang ginawa kung hindi pagkumparahin ang mga kapwa natin Pinoy artists na guma-gawa ng pangalan sa international scene sa mundo ng musika.

Katulad na lang ng ginagawang pagkukumpara kina Lea Salonga at Charice Pempengco, kung saan halos pagsabungin na sina Lea at Charice sa kung sino ba ang mas sikat sa dalawa sa buong mundo. Na kung tutuusin ay pareho naman na nagbigay-karangalan sa ating bansa.

At ang latest ay ang pagkukumpara kina Charice at sa American Idol Top 7 Finalist na si Jessica Sanchez na may dugong Pinoy-Mexican, sa kung sino ang mas magaling at mas sikat sa mga ito. Maraming mga dayuhan tuloy ang natatawa na lang sa gawi ng ibang mga Pinoy, na sanay maging masaya at proud na lang sa mga Pinoy na gumagawa ng pangalan sa international scene, kaysa naman pagsabungin ang mga ito at pagkumparahin sa kung sino ba ang mas magaling at angat sa kanila.

GAANO KAYA katotoo na nagkakaintindihan na ang Isang Dakot na Luha co-stars na sina Danita Paner at Edgar Allan Guzman, dahil na rin sa parating pagsasama sa set ng pinagbibidahan nilang teleserye.

Kasabay ng pagsikat ng Golden Screen Awards Best Actor na si Edgar Allan ay mga intriga sa kanyang personal na buhay. Ngayong hiwalay na sa kanyang girlfriend, panibagong buhay na ang haharapin ng young actor. Katulad ng kanyang onscreen partner, nagdaan din si Danita sa kalungkutan matapos ang break-up nila ni JC de Vera. Ngayon naman, naiipit ang dalaga sa away ng kanyang manager na si Annabelle Rama at inang si Daisy Romualdez.

Magkapareha sina Edgar Allan at Danita sa afternoon soap ng TV5 at dahil parehong may pinagdaraanan ang dalawa sa kanilang personal na buhay, hindi kaya naging dahilan ito para maging mas malapit sila sa isa’t isa?

Kaya naman marami ang nagsasabing baka raw si Danita marahil ang dahilan ng break-up ni Edgar Allan at ng ex-Sexbomb dancer na si Johlan Veluz.

NGAYONG BUWAN ng Abril, ‘di na muna uso ang siesta sa bagong line-up ng afternoon block ng TV5. Ang inyong court-on-air na Public Atorni ay mapapanood na tuwing alas-2 ng hapon. Susundan naman ito ng Isang Dakot na Luha sa alas-2:30, Felina sa alas-3 at Super Sine 5 sa alas-3:30.

Maging maalam sa mga karapatan bilang Pilipino araw-araw. Ang mediation chief at public atorni na si Atty. Persida Acosta ang papagitna sa dalawang nagbabangayang kampo at hahanap ng resolusyon sa mga kaso sa Public Atorni: Asunto o Areglo. Samantala, ang ating Kapatid na si MM Marfori ang pupulso sa opinyon ng mga studio audience.

Ang Felina at Isang Dakot na Luha naman ang back-to-back drama na siguradong kukurot sa inyong mga puso. Sundan ang buhay ni Felina, isang magandang dalaga na isinumpang maging mukhang pusa. Sa kanyang paghahanap sa kanyang tunay na katauhan, magdudulot siya ng pagbabago sa mga taong nakapaligid sa kanya. Samantala, sa Isang Dakot na Luha, patuloy ang pagsusumikap ng isang ina na mabuo ang kanyang pamilya sa kabila ng mga pasakit at sakripis-yong pinagdaraanan niya.

Mga kapanapanabik na adventures naman ang bida sa Super Sine 5 na handog ang tagalized versions ng inyong paboritong Hollywood movies. Tunay na mas kaabang-abang ang mga hapon sa TV5 sa mas pinalaki nitong afternoon line-up.

DEADMA NA lang daw ang kampo ni Jennica Garcia ang patutsada ni Martin Escudero na obvious na obvious naman daw na ang GMA young star ang pinatatamaan nito.

Ayon nga sa kampo ni Jennica, hindi raw gawain ng matinong lalaki ang ginawa ni Martin. Naging masyado raw taklesa ito para pagsabihan nang ‘di maganda ang naging karelasyon nitong si Jennica. Sana raw, kung hindi sila nagsama nang maayos, kaso maganda naman daw ang naging relasyon ng mga ito nu’ng sila pa.

Wala raw balak na sagutin pa ni Jennica ang mga ‘di magagandang salitang ipinukol dito ni Martin, mas gusto na lang daw tutukan ni Jennica ang kanyang career kaysa naman patulan pa si Martin. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMga Pasabog ni Amalia Fuentes sa Twitter laban kay Annabelle Rama, Inaabangan Na!
Next articleVice Ganda, nagiging monster na?!

No posts to display