Charice, nawala na ang international appeal

Charice, nawala na ang international appeal

Charice-PempengcoBUMIRIT SI Charice when she performed sa Miss Earth Finals.

She sang Beyonce’s Pretty Hurts. Maganda naman ang version niya but sadly, wala na siyang star quality. Lalaking-lalaki na kasi ang looks niya ngayon, nabawasan nang malaki ang kanyang X factor sa kanyang personality.

All that she looked that evening was a contestant na mukhang haggard. Hindi na siya fresh looking, malayung-malayo sa hitsura niya noong girly pa ang kanyang aura.

Sayang, kasi magaling pa naman si Charice. Nawala na ang international appeal niya at mukha na uli siyang kontesera sa kanyang hitsura ngayon.

 

NANGUNA ANG GMA-7 sa network na may pinakamaraming flop on television.

Ang bayaniserye ni Alden Richards na Ilustrado ang number one sa list ng Flop TV Shows ng isang Facebook fan page. This was followed by another GMA soap, ang Carmela ni Marian Rivera. Pang-anim naman ang Elemento na sa Siyete pa rin. Nasa third ang Madam Chairman ni Sharon Cuneta na talagang hindi naramdaman ng tewleviewers.

Another flop was Anne Curtis’ Dyesebel na hindi talaga tinangkilik ng mga manonood. Ang isa pang flop show ng Dos ay ang Mirabella. Sa TV5 naman ay nasa listahan din ang Confessions of a Torpe ni Ogie Alcasid.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas