Charice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!

ADVERTISING

Charice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!

Charice, nagpakasal na sa bebot na road manager?!NAKAKALOKA ANG balita ha? Kasi umiigting na nga ang balitang diumano’y tomboy nga raw itong si Charice. Heto na naman at nagpakasal diumano ito sa kanyang manager sa Las Vegas?

How true? Sa ulat ng Ang Latest ng TV5 last Saturday, May 11, sinabi ng Lola Tes nito na parang nabalitaan nga nila ang ganitong balita.

Matatandaang inetsa-puwera ng singer ang kanyang manager last year at inanunsiyo niya ito sa twitter. Tweet ng international singing sensation, “A bit of news, Grace Mendoza is no longer my manager. I thank her for the work and time she has spent with me. Courtney Blooding is the new point of contact for me. You can reach her at courtneyblooding@me.com.”

Pero ayon sa lola nitong si Tess Relucia, base sa ulat ng Ang Latest, ‘more than professional’ daw ang relasyong namagitan sa kanila ng kanyang road manager na si Courtney.

ADVERTISING

Lahad ni Lola Tess, “Ang nakarating sa akin, girlfriend mo ‘yun or ikinasal kayo anak, sabi sa amin, sa Las Vegas, kaya lahat ng income mo rito noon, ‘yung kinita mo sa X- Factor, eh, bumili ka ng sasakyan, nadala lahat nu’ng babae na ‘yun.”

Dagdag pa ng source ng Ang Latest na itinago sa pangalang ‘Mike’, sumama raw ang loob ng ina nitong si Raquel Pempengco nang makarating sa kanya ang balita.

Tanong ng Ang Latest, “Nagalit ba si Raquel dahil nagpakasal daw sa Las Vegas?” Saad ng nagngangalang Mike, “Pagkakaalam ko, masama ang loob.”

Dagdag pang tanong kay Mike, “Nabawasan daw ang savings dahil kay Blooding?”

Pahayag nito, “Nakatanggap kami ng tawag mula America na nagwi-withdraw raw si Charice halos isang milyon araw-araw, kaya nagtataka kami kung saan niya dinadala ang perang ‘yun.”

Naku kailangang mabigyang-linaw agad ito ni Charice bago pa lumaki ang balitang ito. Ilalathala agad namin ang panig ni Charice sakaling magsalita na ito.

 

WALANG PAGSIDLAN ang galak sa puso ni Sam Pinto na marami pa rin ang sumusuporta sa kanya para maging FHM Sexiest Woman of the World 2013.

Last May 10, sa Miting de Avance ng United Nationalists Alliance (UNA) sa mga national at local candidates nila na ginanap sa Plaza Morga, Moriones, Tondo, isa sa guest celebrities na namataan ay si Sam.

Masayang kuwento ni Sam sa magandang balita tungkol sa kanyang ranking, “Oo nga eh, nagulat nga ako, eh. I can’t believe it. It’s really exciting talaga and I’m so thankful sa mga supporters ko na tinulungan nila ako. Parang two more weeks na lang ‘ata ang botohan.”

“From number 4 to number 2, grabe.”

So, nararamdaman na ba niyang baka sa huli ay siya muli ang tatanghaling pinakaseksing babae sa Pilipinas ngayong 2013? In that case, ito na ang pagiging pangatlong pagkakataong maging Sexiest Woman of the World ang Kapuso actress. Nakangiting tugon nito, “Siyempre positive pa rin ako, thankful for the fans, it’s really up to them so, we’ll see it, kinakabahan ako grabe. Thank you Lord.”

Paano kaya niya naipaabot sa kanyang mga tagahanga ang mensahe niya ng paghingi ng suporta sa mga ito? Lahad niya, “Kasi meron akong fans club, sila talaga ang nag-aayos ng lahat, ako lang ang nagsasabi sa kanila na ganito tapos sila na gumagawa ng lahat.”

Sa huli, positibo pa rin siya na kahit anuman ang mangyari between now at sa pagtatapos ng botohan ay ‘andiyan pa rin ang kanyang mga tagahanga. Saad niya, “Sa lahat  po ng mga bumoboto sa akin, maraming-maraming salamat po, you don’t really know how grateful I am for the support, thank you for making me number 2, whatever happens, thank you so much.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING