Charice, may girlfriend na?!

ADVERTISING

Charice, may girlfriend na?!

Charice, may girlfriend na?!NOT A few movie reporters were disgusted when they were invited by GMA to cover the golden anniversary of master showman German Moreno. Ang feeling ng mga naimbitahang reporters ay nabastos sila.

Imagine this: the call time is at 7 p.m. no dinner was served. Walang cocktail food man lang or pica-pica.

Ang layo pa ng lugar na dinayo pa nila para lang mabigyan ng coverage ang palabas ni Kuya Germs, pero ginutom daw sila ng GMA-7.

One thing more, hindi raw mahagilap ang mga GMA PRs. Wala raw sila sa reception area kaya ang gulu-gulo. Maging ang mismong nag-invite na si Ynna something ay nowhere to be found daw.

ADVERTISING

Teka, ano ba ang ginagawa ng magaling na si Angel Javier? Baka she can shed light on why they didn’t provide food para sa working press.

Any comment, GMA PR consultant Butch Racquel?

Nakakahiya talaga ang senaryong ito na nabalitaan namin sa mga katoto naming dumalo sa show ni Kuya Germs. Is this how the Kapuso Network treats members of the working press?

Ang cheap, ha!

Charice, may girlfriend na?!

MAY TRIBUTE si Cristina Decena sa namayapang mother ni Ariel Villasanta, ang Mommy Elvie Villasanta – Da Tribute Show sa May 4, 11 a.m. sa GMA News TV.

“Meron kaming magagandang episode na ilalabas namin like ‘yung cremation niya, mga kaibigan niya na nagmamahal sa kanya, ‘yung dedication nu’ng mga tao na nagmamahal sa kanya, verbally at saka in writing. Gano’n pala ‘pag ‘yung mga tao gusting magkaroon ng dedication bago ang cremation ay nagsusulat sila sa kahon. Makikita sina Joey de Leon, sina Kempee (de Leon),” chika ni Cristina sa amin.

We asked her kung ano ang contribution ni Mommy Elvie sa Philippine television.

“Alam mo ang pinakamaganda kay Mommy Elvie ay nagkaroon siya ng mga wishes na hindi para sa kanya, like peace in our country, food for the hungry. ‘Yung lahat ng mga wishes niya ay hindi para sa kanya, nagpapatunay lang na talaga si mommy ay hindi niya iniisip kung ano ang makukuha niya. Maski sa relasyon namin, lahat ino-offer ko sa kanya, tinatanong ko kung ano ang gusto niya. Wala siyang gusto kundi love and affection lang, so ‘yun ang ibinigay ko sa kanya,” sabi ni Cristina.

 

KALAT NA kalat na sa mga social networking sites ang photos ni Charice kasama ang isang mysterious girl.

Nakita namin lahat ng photo and we were not surprised kung bakit naging kontrobersiyal ito.

Kasi naman, lalaking-lalaki ang dating ni Charice sa photo. Eh, hindi ba’t merong gender issue sa kanya na until now ay hindi pa niya diretsong masagot.

Anyway, lalong uminit ang speculations na lesbian si Charice sa paglabas ng photo niya kasama ang isang unnamed girl. Ang hula ng marami, girlfriend niya ang babae although hindi naman sweet ang kanilang kuha.

So, who could this mysterious girl be? Friend lang ba siya ni Charice or there’s something between them.

Pakisagot nga, Charice.

 

JUST BECAUSE meron siyang kasamang babae ay na-link na kaagad si John Lloyd Cruz.

May mga naglabasang photos ni Papa Lloydie sa ilang social networking sites and the presence of a certain Denisse Oca in all the photos was more than enough for it to cause a stir.

Bakit daw laging kasama ni Denisse itong si John Lloyd sa mga parties?

Some intrigeras took it to mean that the young actor is squiring on Denisse.

Hellllloooo! Da who ba si Denisse to deserve John Lloyd’s romantic advances? Parang hindi naman yata tamang isipin na may relasyon sila just because nakikita silang magkasama sa mga okasyon. Malay natin, magkaibigan lang sila. Isa pa, they were never photographed together na sweet at sila lang.

We don’t think John Lloyd will cheat on his girlfriend Angelica Panganiban.

Sinex itong si Denisse? Well, she’s a PR and events personality and she’s the daughter of starlet Melissa Mendez.

She’s also the ex-girlfriend daw of Phil Younghusband.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING