Charice, inayawan na ng fans

ADVERTISING

Charice, inayawan na ng fans

ChariceNALULUNGKOT PALA si Charice dahil sa kabila ng pagdadala niya ng karangalan sa Pilipinas ay parang siya pa ang hindi welcome ngayon dito.

Actually, ‘yung totoo, talagang kahit ano’ng gawin mong maganda, meron at merong isa o ilang epal na kokontra at magmamaganda para lang mapansin.

Pero siguro, kung hindi pinili ni Charice ang maging “binata” ay siguro,  ang giliw-giliw pa rin sa kanya ng karamihan ng fans na talagang sinubaybayan ang kanyang career.

Talagang aminin na natin: may kinalaman talaga ang “pagbabagong-bihis” ni Charice. Na kahit ang sarili niyang ina ay napakatagal ding hindi sila nagkibuan, dahil nga hindi nito matanggap na imbes na “magdalaga” ay “nagbinata” ang kanyang anak.

ADVERTISING

So, isipin na lang din ni Charice na ang karamihan sa fans niya na na-disappoint nang piliin niya ang pagkataong gusto niya eh, hindi pa rin maka-move on, dahil siyempre naman, ang taas-taas ng paghanga sa kanya nu’ng mga panahong suki pa siya ni Oprah o ni Ellen de Generes, tapos, biglang bagong anyo, ‘di ba?

Honestly, kami, tanggap na namin na “binata” na si Charice.  Nandiyan na ‘yan, eh.

So, dapat, tanggapin din ni Charice ang katotohanang na-miss lang ng mga tao, lalo na ng mga fans, ang dating siya.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING