Charice at inang si Racquel Pempengco, nagkaayos na

ADVERTISING

Charice at inang si Racquel Pempengco, nagkaayos na

Charice-Alyssa-Quijano-Racquel-CarlMAGANDANG BALITA naman itong kay Charice Pempengco na nagkaayos na pala sila ng Mommy niyang si Racquel Pempengco.

ADVERTISING

Nu’ng nasa Amerika pa si Charice, nakausap niya ang ninong Ricky Lo niya at okay na nga raw sila ng Mommy niya. Magsasalita lang daw siya pagbalik niya ng bansa.

Nandito na ngayon si Charice at nag-post na nga siya sa Instagram account niya ng litrato nilang kasama niya ang Mommy niya at sinabing okay na nga raw silang mag-ina.

Nagpapasalamat din siya na tinanggap ng Mommy niya ang kasintahan niyang si Alyssa Quijano.

ADVERTISING

Isa ‘yun sa ikinagalit ng Mommy niya, eh. Hindi talaga nila matanggap si Alyssa, pero at least ngayon ay okay na sila.

Magsasalita si Charice at ang Mommy nito sa Startalk, kaya abangan n’yo na lang.

Nangako naman sila kay Ricky na ninong niya na ibibigay ang exclusive interview sa Startalk.

 

KATATAPOS LANG pala ng Niño nu’ng nakaraang Biyernes, at ang magandang pangyayari na dala nitong drama series ng GMA Telebabad, napasikat nila si Miguel Tanfelix.

Ang papalit naman dito ngayon ay mga bagets pa rin ang bida na sina Bea Binene, Jake Vargas, Joyce Ching, Kiko Estrada at iba pang mga Kapuso young stars.

Ito ‘yung Strawberry Lane na ang nakatutuwa, ang ginamit nilang pangalan ng mga bidang babae ay mga karakter na pinasikat ni Sharon Cuneta sa mga pelikula niya.

Suportado rin ng mga magagaling na stars itong Strawberry Lane na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, TJ Trinidad at pati mga alaga kong sina Lani Mercado at Raymond Bagatsing.

Abangan n’yo na lang ito mamayang gabi pagkataps ng 24 Oras.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING