Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sarili

ADVERTISING

Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sarili

Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sariliO, HUWAG na tayong masyadong nagko-concentrate sa isyung pag-amin ni Charice na siya’y isang “pards”.
Mag-concentrate na lang tayo sa talent ng bata na isang napakahusay na singer-performer at inaanak pa nga at naging manager pa si Oprah Winfrey at anak-anakan din siya nina Ellen Degeneres at minentor siya ni David Foster.
Hindi na rin mabilang ang pagkilala kay Charice sa ibang bansa at naging guest din sa iba’t ibang TV shows abroad.
Charice, dapat ding magtira ng misteryo sa sarili Ilan lang ‘yan na baka kasi nakakalimutan na ng ibang Pinoy, kaya ipinapaalala lang namin sa inyo.
Ke Charice din, baka p’wedeng ipahinga na niya ang kasasagot ng tungkol sa gender niya, saka na lang siya umamin uli kung mare-realize niyang hindi po pala ako tomboy, babae po akong nagkakagusto na sa opposite sex.
Kanta ka na lang nang kanta, Charice, at magtira ka rin ng konting impormasyon sa sarili mo para naman me misteryo pa sa pagkatao mo na siyang kakapitan ng mga fans mo.
Nagmamahal, Ogie Diaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING