Charice burdado!

ADVERTISING

Charice burdado!Charice burdado!NAKAKALOKA ANG Instagram post ni Charice last Saturday, ipinakita kasi niya sa kanyang followers ang kanyang upper part ng katawan na kitang-kita ang kanyang tattoo sa dibdib at balikat. Sabi niya, “Ashteg. Medyo baklers pero ashteg! Hehe.”

Parang dinungisang masyado ng singer ang kanyang katawan, ha? Sana hindi na niya dagdagan ang kanyang mga tattoo though kasabihan nga ngayon, art form na rin daw ito. Pero kapag masobrahan na ay baka dirty-ness na itong tingnan, what do you think, Charice?

 

WALA NAMAN daw masasabi pa si JC de Vera sa takbo ng show nilang Cassandra: Warrior Angel dahil madami raw ang nakapansin sa show. Kahit daw pagod at nagkasakit na siya sa taping, wala raw siyang maireklamo sa trabaho nila dahil mababait ang kanyang co-stars.

Kuwento pa niya, “Ang Cassandra, heto pagod at nagkasakit ang inabot namin sa sobrang effort for the show.”

ADVERTISING

Busy rin ang kanilang grupo sa pag-iikot sa malls para sa Go Fresh Go 5 mall show na pinangungunahan ng Cassandra at iba pang Kapatid shows.

Hiningan na rin namin ng update si JC tungkol sa nauna na niyang sinabi noong grand presscon ng Cassandra na baka daw pagdating ng Hunyo ay magkakaroon ng malaking hakbang na gagawin sa kanyang career.

Saad niya, “Wala pa, wala pang update, wala pa akong plans pa na kung anuman eh, kasi mahal ko ang TV5 before anything na gagawin ko, priority ko talaga ang TV5. So, kung anuman ‘yung natsi-tsismis at nasasabi ng iba na baka mag-transfer, TV5 ‘yung unang makakaalam nu’n.

“So right now, busy naman ako with Loko Moko U, tapos may Cassandra, merong isa pang telecine na papasok. So, wala… pinupunuan naman talaga nila ‘yung trabaho ko. So, wala naman akong naging problem. And siyempre, para sa akin, sino ba ang tatanggi sa trabaho kung binibigay naman nila ang trabaho? Sino ba naman ako na magmamalaki na umalis, ang kulit ko naman nu’n ‘pag umalis ako.”

Dagdag pa ni JC, sa ngayon daw ay ipinagpasalamat niyang nakasama siya sa Loko Moko U dahil unti-unti na itong napapansin ng mga manonood tuwing Linggo.

“Isa yun sa mga rason din na kini-keep ko sa aking sarili kung bakit hindi ako makagawa kahit anong hakbang . It’s because mahal ko ‘yung Loko Moko U. ‘Yun ‘yung medyo hirap na hirap ako kasi mahal na mahal ko kasi ‘yung show, so siguro du’n, du’n muna ako sa ngayon, future plans wala pa.”

Inusisa din namin siya tungkol sa lumabas na balita dati na diumano ay nakikipag-usap siya sa TRIPLE A talent management, kung saan ito ang nilipatang management din ni Marian Rivera.

Sabi niya, “Katulad nu’ng sinabi ko kanina, wala pa akong future plans and pagdating naman with Tita Annabelle (Rama), wala pa rin akong talagang plano pa. Ang ginagawa ko lang ngayon ay ini-embrace ko lang kung ano ‘yung meron ako. ‘Yun ‘yung TV5 at inaalagaan naman nila ako at sila na ang bahala kung ano ‘yung mangyayari sa akin in the next few months and ‘yun nga, magsasabi naman ako, ‘pag meron na ako, ‘pag meron na akong final decision, at TV5 ang unang makakalaam.”

 

SUPER ENJOY sa Boracay si Gretchen Barretto and company last week. Naka-post sa kanyang Instagram account ang kanilang activities habang nasa pinakasikat na beach sa bansa.

Pero bago pa siya nagpunta sa Bora, nag-post ito ng larawan niya kasama ang mga kaibigan.

Pero isang follower ni Gretchen na may IG account name na @ricoclaudine4ever ang nag-comment sa larawang ito ng, “Pera lang ang impt sa’yo at pagyayabang mo ng foods, clothes etc!!!!! E wala ka naman kuwentang anak!!!! Sabi mo you go to churh, but then sinusuway mo naman ang utos ng panginoon. Honor your Mother and Father.”

Hindi nag-react si Gretchen dito pero may isang follower na may IG account name na @jjbarretto ang sumagot dito. Aniya, “ricoclaudine4ever..halika..i honor ko father n mother mo..paguntugin ko silan dalawa….hampas ko pa nuo mo sa pader…hahaha”

May isa namang follower ang nagtanong ng, “Is this really THE jj barretto?

Wala nang sumunod pang comments tungkol sa isyu.

Kay JJ nga ba talaga ‘yung account na ‘yun? Nakakaloka kasi ang kanyang comment, pag-untugin daw at hampas ang ulo sa pader. Scary much!!!

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING