Character actress Vangie Labalan, spending her money with young boyfriend?!

ADVERTISING

Character actress Vangie Labalan, spending her money with young boyfriend?!

Character actress Vangie Labalan, spending her money with young boyfriend?!MARIING PINABULAANAN NG mahusay na character actress na si Ms. Vangie Labalan ang kuwentong nahuhumaling siya sa isang batang-batang D.I. na itinuturong boyfriend niya, at sobrang laki raw ng agwat ng kanilang edad.

ADVERTISING

Dito nga raw sa bagets niyang papa inuubos ni Ms. Vangie ang kanyang salapi. Grabe raw kasi itong magregalo sa kanyang young papa na balitang binigyan nito ng mamahaling sasakyan, alahas, damit at sustentado ng big cash buwan-buwan.

“It’s not true! Wala akong young papa. Baka ang sinasabi nila, si Starsky, ‘yung TT ko… Teacher in Tango, hahaha! Hindi na bata ‘yun, mukha lang at napagkakamalang bata lang.

“Never akong na-in love sa mas bata sa akin at never kong uubusin ang inipon at pinaghirapan kong pera sa lalaki, ‘noh! At higit sa lahat, hindi ako namimigay ng kotse, alahas at kung anu-ano pa! Baka nami-misinterpret lang nila ‘yung closeness namin ni Starsky, pero hindi naging kami.”

ADVERTISING

Tsika pa nito, masyado siyang busy sa kanyang trabaho bilang artista, acting coach ng mga baguhang artista, at iba pa, at walang time para makipag relasyon, lalo na sa bata. Tsika nga nito na nakatakda siyang pumunta ng Australia dahil meron siyang imbitasyon mula sa mga Pinoy community roon na magturo ng acting sa mga Filipino na nandoon.

 

BALITANG BILANG NA ang araw ng teenshow ng ABS-CBN, ang Good Vibes, at papalitan na ito ng bagong variety show na may tentative title na Growing Up, na pagbibidahan naman ng Primetime Princesses ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, at iba pang young stars ng Kapamilya Network.

Hindi raw kasi umubra ang Good Vibes kontra sa Tween Hearts ng GMA-7 na hindi talaga matinag sa pagiging number 1 sa kanyang time slot tuwing Linggo, na siyang katapat ng malapit nang matsuging teen show. Kaya naman ang ending ay tatapusin na ito at sina Mara at Clara naman ang susubukang isabong sa TH.

Pero mukhang mahihirapan ang Growing Up na maungusan kaagad ang mataas na rating ng TH, dahil habang parami nang parami ang casts nito, mas lalong pataas nang pataas ang ratings nito, at masyadong marami na ang sumusubaybay rito.

 

AYAW NA DAW magkomento pa ni Mia Pangyarihan, isa sa original SexBomb girls sa pag-alis ng kanyang co-SexBomb at itinuturing na isa sa malapit nitong kaibigan sa loob at labas ng industriya, na si Rochelle Pangilinan sa poder ng kanilang manager na si Joy Cancio.

Ayon kay Mia, desisyon daw ‘yun ni Rochelle at ayaw niyang panghimasukan pa. May kanya-kanya raw silang desisyon at pare-pareho nilang nirerespeto ito. Basta siya raw ay magiging loyal kay Joy at hindi niya ito iiwan.

Mas gusto raw nitong pag-usapan ang pagkakasama niya sa Amaya, kung saan ginagampanan niya ang isang Babaylan na alipin ni Raha Linangan na ginagampanan ni Ayen Munji.

Kabado nga raw si Mia dahil medyo matagal-tagal na rin siyang nabakante dahil sa pagkawala ng Daisy Siete sa ere, kaya naman daw feeling nito ay balik siya sa step 1 ng pag-arte. Pero gagawin naman daw niya ang lahat para magampanan ang role na iniatang sa kanya.

Sa ngayon daw, ang pag-arte ang focus ni Mia. Pero hindi naman daw nangangahulugan na iiwan na niya ang kanyang passion sa pagsasayaw, dahil sa pagsasayaw daw siya unang nakilala at nag-open sa kanya ng maraming pinto ng oportunidad, kasama na ang pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING