Character actor, ibinuking na may utang na P200,000 si Krista Ranillo sa isang indie film producer! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Character actor, ibinuking na may utang na P200,000 si Krista Ranillo sa isang indie film producer! - Joey Sarmiento

ISANG SIKAT NA character actor ang nagsabi sa amin na may utang daw na 200,000 pesoses si Krista Ranillo sa isang indie film producer. Dapat sana ay advance talent fee ‘yon para sa isang movie project pero biglang nag-decide daw si Krista na huwag nang ituloy ang pelikula.

ADVERTISING

Engineer talaga ang trabaho ng indie film producer at ang character actor ang nagpakilala sa kanya kay Krista kaya medyo nagi-guilty siya dahil sa nangyari.

Hmmm, kung totoo ang mga tsismis tungkol sa mga balato na nakuha ni Krista galing kay Manny Pacquiao, siguro naman, kayang-kaya na niya itong bayaran, hendehvah?

USAPANG KRISTA PA rin. True rin kaya ang tsika na ‘yung ilang milyong piso na ibinigay raw sa kanya ni Pacman noon ay para naman ibigay niya sa kanyang ex na si Direk Dominic Zapata? Dahil nga pinag-aral siya ni Direk sa Ateneo nu’ng sila pang dalawa ang mag-on? At para wala na rin daw masabi si Direk kapag naisoli na sa kanya ang kanyang mga nagastos?

ADVERTISING

Pero ang nangyari raw, e, hindi ito ibinigay ni Krista kay Direk at sinolo niya ang pera. Ganu’n?

Feeling namin, sa dami ng mga bagay na ibinibintang ngayon kay Krista, e, kailangan na niya talagang magpaliwanag.

Na-realize tuloy namin, hindi ba’t among our local actors, e, si Mat Ranillo III ang madalas na kinukuha sa role ni Jesus Christ kapag Mahal na Araw?

Una, dahil sa mga intrigang naglalabasan ngayon, magiging believable pa kaya si Mat sa role na ‘yon? At pangalawa, kung sakali, e, baka si Krista pa ang maging in demand sa role na Mary Magdalene… joke, joke…

TOTOO KAYA ANG nabalitaan naming dalawa sa mga bagets na nakapasok ngayon sa Starstruck 5, e, brinaso nang husto ng dalawang TV executives ng GMA-7? Isang insider din ang nagsabi sa amin nito dahil hindi pinasok ang kanyang alaga in favor of the two bagets kaya hayun, ibinuko niya sa amin ang kanyang mga kasamahang executives.

Kung totoo man ito, e, nakakaawa naman ang ibang mga bagets sa iba’t ibang panig ng probinsiya na pumila at nagpakahirap para lang mag-audition samantalang umaandar pa rin pala ang brasuhan sa management side. Tsk, tsk, tsk!

LATELY AY NAGING kontrobersiyal ang MCA Music acoustic artist na si Sabrina. Why? Dahil may ilang nagre-react sa pagkaka-tie niya sa award ng Acoustic Artist of The Year ng Star Awards for Music kasama si Aiza Seguerra.

Pero para matigil na raw ang kontrobersiya na ginagawa ng iba, naglabas ng statement ang side ni Sabrina.

“Her album has been consistently topping the charts. She is being sought after in international territories such as Thailand and Indonesia.She is truly the ORIGINAL songstress who redefined acoustic to a whole new level with her  acoustic album, ‘I Love Acoustic De Luxe Edition,’ that’s why it’s unfair for her if we are going to magnify the controversies roaming around.

“We believe that she deserves what she got kaya kung tie man sila ni Aiza, then, they are both deserving for the award,” sabi pa ng statement na galing kina Sabrina.

O, ayan ang paliwanag ni Sabrina tungkol sa isyung ‘yon, okidoki? Whatdyathink, Tita Sherbet?!

For reactions please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING