Cesar Montano, nalulungkot na ‘di man lang nakakausap ang 3 anak kay Sunshine Cruz

ADVERTISING

Cesar Montano, nalulungkot na ‘di man lang nakakausap ang 3 anak kay Sunshine Cruz

Cesar-MontanoMATAGAL NANG hindi nakikita ni Cesar Montano ang tatlong babaeng anak sa ex-wife na si Sunshine Cruz. Ito ang sagot niya sa tanong ng press kung kumusta na ang kaso nila ng estranged housewife nang makausap siya sa pocket presscon ng pelikulang Nilalang na MMFF entry sa December.

ADVERTISING

“Well, now, wala pa akong masasabi ro’n. Kasi sinama ng dati kong asawa ‘yung pangalan ng tatlong anak ko sa case namin. So, that’s inside the circle of gag order kaya wala akong masabi. Although I hate the idea, wala akong magagawa,” pagtatapat ng actor.

GUSTO MAN daw niyang makipag-communicate at mag-reach out sa mga anak na bahagi ng agreement nila noon ni Sunshine, pero hindi raw ito tinutupad ng dating asawa.

“As a father I have to do it, but I have no choice. Kasi ever since na lumaki sila, pinanganak sila, it has been my passion. Pero ‘yon ang hindi nila ginagawa (makipag-communicate).”

ADVERTISING

Kailan ba niya huling nakita ang mga anak?

“Matagal na po,” pag-amin pa niya. “Buti na lang naggo-golf ako, nagpe-paint ako, may pelikula. But if you’re going to ask me kung sa part na ‘yon, kung masaya ako, I’m not!” bulalas niya.

“I miss them more than my life. Malungkot!” emosyonal na pahayag pa ng actor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING