Cesar Montano, naiirita na kay Sunshine Cruz

ADVERTISING

Cesar Montano, naiirita na kay Sunshine Cruz

Sunshine-Cruz-Cesar-MontanoNAIIRITA NA raw si Cesar Montano sa mga ginagawa ni Sunshine Cruz na pagpu-post sa Instagram account niya na parang pinapatutsadahan siya.

May kinalaman yata sa sustento ang pasaring niya na sabi naman ng kampo ni Cesar, hindi naman nagkulang ang aktor sa responsibilidad niya sa mga bata.

Ganu’n lang daw talaga si Sunshine. Kapag nadi-delay lang ng padala si Cesar ng financial support niya sa kanila, nagpu-post na ito sa Twitter o Instagram account niya.

Kapag may hinihingi raw itong hindi nabibigay, may mga ganu’n na siyang pasaring. Kaya naiirita ang aktor.

ADVERTISING

Ayaw na lang patulan ni Cesar, at kahit anong kulit ng mga reporter para sagutin niya, ayaw na niya. Siyempre, siya naman ang talo riyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING