Cesar Montano, minalas mula nang hawakan ng bagong manager?

ADVERTISING

Cesar Montano, minalas mula nang hawakan ng bagong manager?

Cesar Montano, minalas mula nang hawakan ng bagong manager?MERON KAMING nakitang photo ng isang babaeng tila kamukha ni Sunshine Cruz sa isang popular website.

Nakatagilid ang babae sa photo at medyo obvious ang namumula niyang balat sa mukha at sa bandang leeg.

Hindi namin matukoy kung si Sunshine nga ang babae pero ang message na nakasulat sa ipinadalang photo sa Fashion Pulis ay kuha raw ito noong Mother’s Day.

Well, si Sunshine nga kaya ang babaeng ito?

ADVERTISING

Anyway, napansin lang namin, tila minamalas si Cesar Montano magmula nang hawakan siya ng bago niyang manager na si Shirley Pizarro.

Noong una, namatay ang anak ni Cesar. Pangalawa, lahat ng gawin niya ay flop. Non-rater ang sitcom niya sa GMA-7 at ang dalawang huling movies niya ay certified flops.

Then, nakipaghiwalay sa kanya si Sunshine Cruz matapos mapabalitang meron siyang ibang babae sa katauhan ni Krista Miller, bagay na hindi naman yata napatunayan.

Then, nag-file ng kaso si Sunshine laban kay Cesar.

We wouldn’t like to think na malas itong si Shirley kay Cesar pero as it is ay tila ito ang nangyayari.

 

Piolo Pascual, ‘di takot gumawa ng kakaiba

 

PIOLO PASCUAL is really hankering on portraying out-of-the-box characters kaya naman when he was offered to play an NBI agent in On The Job ay walang second thought niya itong tinanggap.

“Kahit na marami siyang pinuntahang artista, marami siyang pinuntahan na production ay hindi ko talaga bibitawan because ibang klaseng istorya talaga siya at kailangan siyang gawin, kailangang maipakita sa audience,” chika niya sa presscon ng On The Job.

“The role that was given to me as an NBI agent, I just trusted Direk Erik because siya lahat gumawa ng characters, lahat ng role sa nangyayari sa government, sa NBI. Pero ‘yung role ko is very intriguing kasi kasama ko si Shaina Magdayao, anak siya ng congressman so I’m caught in between, in the middle kasi ang tatay ko naman related kay General Pacheco played by Tito Leo Martinez at ako anak ng former NBI chief. Mahirap po ‘yung role pero masayang-masya ako dahil ngayon ko lang ginawa,” paglalarawan niya sa kanyang character.

Tila career-defining ang tingin ng ilan sa ginawang pagsabak ni Piolo sa action movies, his first time sa ganitong genre.

“As an actor, how will I define my career after this? I can only hope for the best. Sa akin naman, I’d always like to do something different, something ou of the box but of course hindi ka naman puwedeng umalis sa mold na gino-groom sa ‘yo ng ABS o Star Cinema kasi ‘yun kumbaga ang forte ng production. Roles like this ay hindi dumarating palagi sa atin and as an actor ay it’s your responsibility to look forward to something different,” sabi ng actor.

 

Mo Twister, magaling ding mang-asar

 

MAY VINDICTIVE side pala talaga si Mo Twister. We learned this when somebody asked him kung paano niya dini-deal ang kanyang haters.

“I remind myself how much better off my life is. That is, of course, after I embarrass them publicly in front of all of you and have you all laugh at them. How? I just look at their profile pic, find the weakness and exploit it. They usually end up changing their pic immediately because people are so sensitive about their looks. Other times, I grab their stupid logic or atrocious grammar and feed it back to them laced with a bit of my own poison. It usually ends there, they lock their account and end up tweeting about me, and not tagging me anymore, so they can vent to their tard friends and save face from being humiliated any further. Simple lang,” sagot ni Mo.

That said, talagang hindi pala patatalo itong si Mo sa kanyang bashers sa social networking sites.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING