Cesar Montano, kinasuhan ni Sunshine Cruz ng kalaswaan

Cesar Montano, kinasuhan ni Sunshine Cruz ng kalaswaan

Cesar-MontanoPARANG AYOKO namang maniwala sa bagong pasabog na ‘to ni Sunshine Cruz laban kay Cesar Montano.

Nag-file pala ito ng bagong kasong paglabag sa Anti-VAWC o Violation Against Women and Children laban sa asawa dahil sa ang sabi niya, nagsumbong daw ang tatlong anak na nagpaparaos daw si Cesar sa harapan mismo ng mga anak niya.

Parang nakadidiri na talaga ‘yan, ha? Gagawin ba ‘yan ni Cesar sa mga anak niya? Sobra naman!

Pero nag-file na nga si Sunshine ng naturang kaso kasama ang mga anak niya, kaya tingnan natin kung ano talaga ang totoo rito.

Napag-uusapan nga namin sa ilang mga taong malapit kay Cesar, hindi raw sila makapaniwalang kayang gawin iyun ni Cesar.

Galit na galit nga raw ang aktor sa ginawa ni Sunshine, dahil meron na naman yata silang hindi napagkasunduan.

Ang dinig ko kasi may mga ilang property na gustong kunin ni Sunshine pero hindi sila nagkasundo rito ni Cesar. Kaya ‘yun na naman ang pasabog n’ya.

Sa ngayon ay ayaw munang magsalita ni Cesar tungkol sa isyung ‘to dahil kinakausap pa niya ang abogado niya. Pero siyempre, hindi naman hahayaan na lang na sisirain si Cesar nang ganu’n-ganu’n na lang. Kailangan din niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Kaya abangan na lang natin ang pagsasalita ni Cesar kaugnay rito.

Ang hirap lang kasi niyan, kung magsasalita si Cesar, ang mangyayari niyan magsisiraan lang sila sa publiko. Kaya dapat na mag-usap sila nang maayos alang-alang sa kanilang mga anak.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis