Cesar Montano, iwas sa isyu nila ni Sandra Seifert

Cesar Montano, iwas sa isyu nila ni Sandra Seifert

Cesar-Montano-Sandra-SeifertDUMATING NA pala si Cesar Montano galing Amerika, at namataan nga ito sa opening ng French Film Festival ba ‘yun?

Umiiwas naman siya sa mga gustong mag-interview sa kanya.

Itinatanggi niya ang isyung nabuntis si Sandra Seifert na hindi naman yata totoo, dahil nakita ito sa Ellen de Generes show kasama si Cesar.

Hindi nga sumagot ang aktor nang tinanong ito kung sila na nga ni Sandra.

Sabi lang ng aktor, magsasalita siya sa tamang panahon. Hindi lang daw muna ngayon.

Ang concern lang naman ni Cesar na makapagtrabaho siya, ‘no! Makagawa siya ng pelikula. Kaya nagpapasalamat siya sa ibang kaibigan na nagtitiwala pa rin sa kanya.

Mabuti nga may nagtitiwala pa rin kay Cesar, kasi kawawa talaga siya dahil sa pinasok niyang iskandalo. Siyempre nilalayuan na siya ng mga projects na dapat sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis