Cesar Montano, inilantad ang mystery girl na nakunan noon sa nag-viral na video

ADVERTISING
Leo Bukas

SA VIDEO birthday greetings na ipinadala ni Cesar Montano sa showbiz writer at dating TV host na si Dolly Anne Carvajal na ipinost niya sa kanyang Facebook account ay kapansin-pansin ang paglabas ng isang babae na bumabati din kay Dolly Anne.

Ang name ng girl ay si Maria Socorro. Siya ang mystery girl na kasama ni Cesar sa nag-viral na video greetings noon ng aktor para sa isang kaibigang kagawad na taga- Sta. Ana Manila.

ADVERTISING

Si Maria Socorro din ang  nahagip sa video na walang saplot o nakahubad. Nag-viral ang naturang video noong October 2018.

Cesar Montano, inilantad ang mystery girl na nakunan noon sa nag-viral na video

Ani Cesar sa video, “BFF, happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, yan! I love you, BFF Dolly.

ADVERTISING

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito?”

Ang tinutukoy ni Cesar na nakadamit ay ang kanyang katabing babae sa video.

“Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” reaksyon ng babae na tila close din kay Dolly Anne dahil “mare” ang tawag nito sa kanya.

Cesar Montano, inilantad ang mystery girl na nakunan noon sa nag-viral na video

Pabirong sundot pa ni Cesar, “Next time, yung isa kong talent, available na. Yon talaga, daring yon. Next time na lang yon…

“We love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you.”

Samantala, si Maria Socorro ang sinasabing matagal nang live-in partner ni Cesar. Ang ginawang paglantad nito sa video ng aktor ay maliwanag na pagkumpirmang masaya ang love life ngayon ng dating asawa ni Sunshine Cruz.

ADVERTISING