Cesar Montano, ibinigay na ang hinihinging property ni Sunshine Cruz

Cesar Montano, ibinigay na ang hinihinging property ni Sunshine Cruz

Cesar-Montano-Sunshine-CruzPOSITIVE ANG dating ng ginawang pagpirma ni Cesar Montano sa compromise agreement na nagsasaad na ibinibigay na niya kay Sunshine Cruz ang property na hinihingi nito sa Valley Golf Club bilang parte ng settlement of properties nila bilang mag-asawa.  Iyon din naman kasi ang hinihintay ng marami tungkol sa naging sitwasyon nila ngayon.  Lumalaki na kasi ang tatlo nilang anak na babae, at hindi magandang lumalaki sila na may gusot pa rin ang kanilang mga magulang.

Bilang Mommy ng kanilang mga anak, ang gusto lang naman ni Sunshine ay maisaaayos na talaga ang para sa kanyang mga anak na dapat ay manggaling kay Cesar. Inaabangan ngayon kung nang dahil ba sa pagpirma ni Buboy sa nabanggit na compromise agreement ay mananahimik na rin ang isyu tungkol sa bagong kasong isinampa ng aktres sa aktor, ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Palaban kasi si Sunshine. Marunong siyang manahimik kung kinakailangan. Pero kapag siya’y mayroong desisyon na sinimulan, pinaninindigan niya iyon. Hindi kumportable ang aktres na mapag-usapan sa ngayon ang kanyang estranged husband. Nakalulungkot na parang wala nang pagmamahal na natitira sa puso niya para sa aktor na pinakasalan niya. Si Buboy pa naman ang unang lalaking sobrang minahal ni Shine kaya niya pinakasalan noon.

ChorBA!
by Melchor Bautista