Cesar Montano at Sunshine Cruz, tuluyan nang naghiwalay?!

ADVERTISING

Cesar Montano at Sunshine Cruz, tuluyan nang naghiwalay?! Cesar Montano at Sunshine Cruz, tuluyan nang naghiwalay?!HAY, NAKU! Thank Lord! Nasa mabuting kalagayan na si Mother Lily Monteverde pagkatapos itong operahan nu’ng nakaraang Huwebes sa Medical City.

Tinanggalan siya ng 2-centimeter mass sa kaliwang bahagi ng kanyang baga, pero wala pang sinasabi kung talagang cancer nga ba ito.

Bago ang operasyon, nagkaroon ng misa nu’ng nakaraang Miyerkules na sayang nga hindi ako nakapunta. Alam n’yo naman ‘pag gabi na, bahay talaga ako.

Pero siyempre, isa ako sa nagdarasal talaga na maging okay na si Mother.

Halos buong showbiz naman ay nag-alala sa kalagayan ng Regal matriarch kaya lahat ay nagdasal na maging safe ang operasyon at malagpasan niya ito lahat.

ADVERTISING

Na-interview nga ni Ricky Lo para sa Startalk si Roselle Monteverde-Theo at sinabi naman niyang out of danger na ang kanilang ina, at nagpapahinga lang daw ito.

Sabi nga ni Roselle, sana magpahinga na muna talaga ang Mommy nila, ‘yung walang stress sa trabaho. Kasi ‘yun talaga ang isa sa malaking dahilan kung bakit nagkaka-cancer ang tao.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ay nakatanggap ako ng text mula kay Mother Lily na ikinatuwa ko naman nang husto.

Sabi nito; “All the tubes connected in my body are already removed and thank God I don’t  even feel any tinge of pain now.

“Thank you to all my dear friends, my apos, my husband, my children, my daughters-in-law, my sons-in-law, and the entertainment press, all my doctors, and nurses for praying for my successful operation and speedy recovery.

“Most of all to my ever dearest GOD Who never fails to love me and give me comfort and strength and guidance. With all your love and support, I was able to surpass this ordeal readily. Thank you very much. I LOVE YOU ALL! Maraming SALAMAT!”

 

TULUY-TULOY NA nga kaya ang hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz?

Sabi kasi nila, bakit daw nagtU-tweet si Sunshine na naghahanap ng mauupahang bahay somewhere in Quezon City?

Sabi naman daw nito sa ibang mga kaibigan, inaayos na raw ng abogado nila ang mga papeles pero nagsasama pa rin daw sila sa iisang bubong.

Aayusin naman daw niya ang lilipatan nilang bahay kasama ang mga anak nila.

Hangga’t wala pang nangyayari, parang ayaw ko pang maniwala diyan dahil ilang beses na sila naghihiwalay, sila pa rin naman.

Tahimik lang sila tungkol diyan, pero ewan ko kung magsasalita si Cesar.

May pelikula siyang The Turning Cradle: The Alfredo Lim Story na nagpa-presscon kahapon.

Hindi ko pa alam kung sinagot ni Cesar ang tungkol sa isyung ‘yan.

I’m sure, wala ‘yung girl na ‘yun na kasali sa pelikula na naging dahilan ng gulo ng mag-asawa.

Tingnan na lang natin.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING