CERTIFIED OPPA NA: Xander Ford, gustong balikan si Miles Ocampo bilang leading lady!

ADVERTISING
CERTIFIED OPPA NA: Xander Ford, gustong balikan si Miles Ocampo bilang leading lady!
Xander Ford and Miles Ocampo

SI XANDER FORD na siguro ang pinaka-trending na artista ngayon sa social media. The internet sensation formerly known as Marlou Arizala of the Hasht5 is now a certified OPPA according to his fans. Dapat na raw kabahan sina Daniel Padilla, James Reid at Enrique Gil dahil si Xander Ford na raw ang magiging #1 sa puso ng mga Pinoy viewers.

Mas tinutukan ng mga tao ang big reveal ng bagong look ni Xander Ford sa Rated K compared sa Kapuso comeback ni Atom Araullo sa KMJS. Curious ang mga tao kung ano na nga ba ang kinahinatnan ng plastic surgery ng social media star.

Napatalon, napasigaw at napaluha sa tuwa ang mga tao na nanonood including Xander Ford’s parents. Nang tanungin ni Korina kung ano ang kanyang balak ngayong isa na siyang certified OPPA, ang wish niya raw ay magtuloy-tuloy ang kanyang pagbabalik sa showbiz.

Last year ay naging special guest si Marlou sa Home Sweetie Home at panandaliang ipinares sa Kapamilya actress na si Miles Ocampo. Kahit short-lived lang ang kanilang pagsasama, mukhang tumatak ito sa puso at isipan ni Marlou na kahit na isa na siyang ganap na ‘Xander Ford’, si Miles Ocampo pa rin ang gusto niyang maging leading lady. Ang bongga lang, ‘di ba? Loyal!

May balita na babalik diumano ang binata sa sitcom (replacing John Lloyd as the main guy? Charot lang!) at bobonggahan ang love angle sa pagitan ng character dito ni Miles. Mukhang sakto ito knowing din na baka magkakaroon ng less screen time si Papa Lloydie sa show dahil sa mga issues na kinasangkutan niya recently. Baka nga si Xander Ford na ang bagong hari ng Saturday night primetime viewing habit ng mga Pinoy.

ADVERTISING

Matagal na rin waiting in line si Miles Ocampo for that perfect ka-loveteam. Si Xander Ford na kaya yun? Naalala tuloy namin si Alessandra de Rossi na bumenta nang ipares kay Empoy.

Sakto rin na sa Wednesday, October 4 na ipapalabas ang pelikula ni Miles na “The Debutantes” ng Regal Films. Hello, Regal? Chance niyo na ‘to na maging unang producer ng XanderMiles project!

ADVERTISING