Certified Kapamilya na pero… Paulo Avelino, kinabahan kay Coco?

Certified Kapamilya na pero… Paulo Avelino, kinabahan kay Coco?

NATULOY NA ANG pag-o-ober da bakod ni Paulo Avelino sa kaharian ng ABS-CBN at tuluyan nang nilayasan ang GMA-7. Kumalat din ang chikang tumataginting na P4M na guaranteed contract sa kanya ng Siyete para lang mag-stay at huwag lumipat sa kalabang istasyon subalit wala ring nakapigil sa paglisan ni Papa Paulo at ‘di na nagpatumpik-tumpik pa. Tama ang desisyon ng young actor dahil sayang ang opportunity. Chance na para mag-grow bilang isang tunay na aktor na ayon sa bali-balita eh, gagampanan daw niya ang isang mapanghamong papel kasama ang Kapamilya award-winning actor na si Coco Martin sa bagong teleseryeng gagawin ng huli. Hmmm… ‘di kaya kabahan si Papa Paulo na maka-eksena si Papa Coco?

Photos by Ricky Agapito, Mark Atienza, Ronnie Bernaldo, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service